Talagang mas pinasaya ang pinakabagong YouTube vlog ni Clouie Dims dahil ibinida niya ang kanyang makulay na Siargao adventure.
Tampok sa kanyang travel vlog ang masarap na food trip, coffee dates, masayang selebrasyon ng Siargao fiesta, at ang kanilang paglalaro ng pickleball.
Para samahan siya sa kanyang paglalakbay, kasama ni Clouie ang ilang Team Payaman girl members at kanya ring travel buddies na sina Pat Pabingwit at Jopearl Abad at ang kilalang content creators na sina Marvin Fojas at Jai Asuncion.
Sama-sama binuo ng grupo nina Clouie ang limang araw na paglilibot sa nasabing isla.
Mas naging exciting naman ang kanilang mini vacation dahil sinubukan ng grupo ang budget-friendly trip challenge kung saan sa loob ng limang araw, nagdesisyon silang gumastos lamang ng ₱5,000 bawat isa.
“Itong Siargao na to, sinasabi ko sainyo… this will be a budget-friendly kasi ‘yung mga kasama ko ay budget-friendly!” pahayag ni Clouie.
Kahit na nasa isla at nagbabakasyon, hindi pa rin pinalampas ni Clouie ang paglalaro ng pickleball na siyang kasalukuyang kinagigiliwan laruin ng Team Payaman.
Sa kaniyang vlog, ibinahagi niya ang kanyang paglalaro kasama ang lokal na grupo.
“Nandito tayo ngayon sa G Sport Pickleball at nakalaro natin ang mga [taga-] Siargao Pickleball Club! ‘Yung mga nakalaro ko, hindi sila basta-basta dahil mga champion ‘yan!” pagbabahagi niya, at dagdag pa niyang babalik siya sa nasabing court dala ng sobrang saya.
Bukod sa sports, tampok din sa nasabing vlog ang mga kaganapan sa Siargao Fiesta kung saan nagkaroon sila ng UNLI food trip at karaoke experience kasama ang mga nakatira sa nasabing probinsya.
Maraming netizens ang natuwa sa kanyang vlog. Komento ng isang tagasubaybay, “It’s nice seeing you become more fit and take care of your body. Keep it up and stay happy lang Clouie!”
Dagdag pa ng isang Team Payaman fan, “Sana po pag balik nyo ng Siargao, kumpleto na ang TP at sana makita ko kayo!”
Watch the full vlog below:
If your skincare shelf is crowded with too many bottles, it is time to simplify.…
Walang hanggang katatawanan ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez, Rana Harake, Jelai Andres, at Sachzna Laparan…
Buong galak na ibinahagi ng bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez na si Yiv Cortez ang…
Pinahanga ng Team Payaman girls na sina Vien Iligan-Velasquez at Aki Angulo-Macacua ang kanilang mga…
Paalam na nga ba sa Team Payaman Motoclub? Ito ang katanungang iniwan ni Boss Keng…
Isang masayang collaboration vlog ang masayang pinagsamahan ni Euleen Castro o mas kilala bilang Yobab…
This website uses cookies.