Little Princess Tokyo Athena Velasquez is back and brighter than ever!
Bilang pagpapatuloy sa tradisyon ng pamilya Velasquez, hango sa Disney movie na ‘Tangled’ ang tema ng ika-anim na buwang selebrasyon ni Baby Tokyo.
Muling pinatunayan nina Mommy Viy at Daddy Cong ang kanilang creativity pagdating sa setup ng ika-anim na buwang selebrasyon ng kapanganakan ni Baby Tokyo.
Ang photoshoot ay hindi lang paggunita sa milestone ng kanilang bunso, kung hindi isang bonding experience para sa magkapatid na Kidlat at Tokyo.
Talaga namang achieved ni Baby Tokyo ang kanyang ‘Princess Rapunzel’ look, na isa sa mga iconic na karakter mula sa Disney show na ‘Tangled,’ kasama ang kanyang Kuya Kidlat na suot ang karakter ni Pascal.
“Happy 6 months my love! Lagi ka bungisngis kagaya ni mommy, i love you so much Tokyo,” saad ni Mommy Viy sa kaniyang heartwarming na Facebook post.
Naging matagumpay ang ‘Tangled’ inspired shoot ni Tokyo at Kidlat sa tulong ng Posh and Pearls para sa kanilang costume, The Baby Village Studio para sa setup at photography services, at Dougable para naman sa cake ni Baby Tokyo.
Agad namang inulan ng mga pagbati at nakakaaliw na komento mula sa mga netizens ang Facebook post ni Mommy Viy.
“Cong na cong si Kidlat… tapos si Tokyo naman Viy na Viy!” komento ng isang fan.
Dagdag pa ng isa, “Ang galing, para Viy & Cong na pinaliit! HAHAHAHA cutie!”
Buong pagmamahal naman na nagkomento si Lola Jovel, “Happy 6 months Tokyo! love love kayo ni Lolo at Lola.”
Ikaw, anong Disney character ang gusto mong maging next theme ni Baby Tokyo for her 7th-month photoshoot? Ibahagi na ‘yan, kapitbahay!
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
This website uses cookies.