Isang matamis na food adventure ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat.
Tunghayan ang mga tagpo sa kanilang memorable merienda food adventure kung saan lumabas ang sweetness ng mag-ina.
Sa isang social media post, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga tagpo sa panibagong episode ng Food Adventure with Kidlat.
Nagtungo ang mag-ina sa Randy’s Donuts upang kumain ng merienda. Kilala ito sa kanilang flavorful donuts, sandwiches, pati na rin sa kanilang mga coffee selections.
Personal na namili si Kidlat ng donut flavor na kanilang susubukan ng kanyang Mommy Viy.
“Ito po sa akin, Candy [flavor], Kuya,” ani Kidlat.
Bukod sa pagkain, sumalang din ang mag-ina sa question-and-answer portion, kung saan mas nakilala pa ni Mommy Viy ang panganay.
Nang tanungin kung sino ang unang taong gustong makita ni Kidlat sa tuwing gigising ito sa umaga, agad na kinilig si Mommy Viy.
“Si Baby Sister!” buong ngiting sagot ni Kidlat.
Tinapos ng dalawa ang nasabing episode sa pagkain, paggawa ng sariling sandwich, at pagbili pa ng donut na kanilang iuuwi sa bahay.
Samantala, marami ang naaliw sa kwelang hatid nina Mommy Viy at panganay niya na si Kidlat.
Dolores Dionisio: “Ang very good ni Kidlat. Laging nag-po at opo at nagmamano. Dami niyang sweets na nakain. Love you Kidlat!”
Anna Rose Morales: “Parang ramdam ko ’yung ginagawa ni Mommy Viy na binibilisan kain ng chocolate toppings para konti lang makain na sweets. Hello, Kuya Kidlat!”
Brah Brah: “Buti at pinayagan ng donut si Kidlat haha, hindi nagalit si Daddy Cong”
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.