Team Velasquez-Gaspar Celebrates Isla Boy’s Intimate Second Birthday

Sa pinakabagong vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, ibinahagi niya ang isang simple ngunit puno ng saya na selebrasyon ng ikalawang kaarawan ng anak na si Isla Patriel. 

Tunghayan ang mga tagpo sa masayang getaway bonding ng Team Velasquez-Gaspar upang ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang panganay.

Isla’s Second Birthday

“So guys, it’s Isla’s birthday today! Nag-book na lang kami ng Airbnb para mag-celebrate ng birthday ni Isla Boy,” panimula niya.

Para kay Mommy Pat, napakahalaga na ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang mga anak kasama lamang ang malapit na pamilya. 

Binigyang-diin niya ang kanilang kagustuhan para sa isang “relaxed, intimate, at chill” na kapaligiran na talaga namang nagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa tunay na koneksyon kaysa sa engrandeng selebrasyon.

Aniya, una na nilang naisip na lumipad patungong Thailand upang ipagdiwang ang espesyal na araw ni Isla. 

Gayunpaman, may naging pagbabago sa plano sa kadahilanang hindi naihabol ang pagpapagawa ng passport ng kanilang bunso na si Baby Ulap. 

Kaya naman, nagpasya ang pamilya Gaspar na magkaroon na lang ng masayang staycation celebration sa isang private resort. 

Isa rin sa rason kung bakit napili ng kanilang pamilya ang intimate staycation ay dahil sa hilig ni Isla sa paglangoy. 

“Gusto ko lang din talaga ay mag-enjoy si Isla Boy mag-swimming… kasi nga ang amats niya ngayon ay mag-swimming. Makasama niya ‘yung mga pinsan niya,” paliwanag ni Mommy Pat.

Unmatched Happiness

Ang kanilang selebrasyon, bagama’t simple, ay napuno ng real-fun moments with close friends and family. 

Labis na nag-enjoy ang lahat sa paglangoy, masasarap na pagkain, warm gathering, paglalaro ng pool billiards, at iba pang aktibidad sa nasabing lugar.

Muling ipinakita ng nakakaantig na kaganapang ito ang matibay na samahan ng Team Boss Madam at ang kanilang pagpapahalaga sa simpleng kaligayahan. 

“You can really see how family oriented Ate Pat and Kuya Keng are,” komento ng isang netizen.

Sa pagtatapos ng special vlog, ibinahagi rin ni Mommy Pat ang isang sentimental “growing journey” clip, na nagbigay sa mga manonood ng nakakaantig na pagbabalik-tanaw sa mga mahahalagang milestones ni Isla Boy.

Angel Asay

Recent Posts

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

3 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

This website uses cookies.