Netizens Giggle Over Tokyo and Kidlat’s Cinderella-Inspired Milestone Shoot

Bilang selebrasyon ng ika-apat na buwan ng bunsong anak nina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez na si Tokyo Athena, isa na namang Disney Princess-inspired shoot ang kanilang inihanda para sa kanya.

Alamin ang nakakatuwang konsepto sa nasabing photoshoot at tunghayan ang mga nakakatuwang komentong kanilang natanggap mula sa mga netizens.

Cinderella-inspired Shoot

Hulyo 30 nang ibida ni Mommy Viy Cortez-Velasquez sa kanyang social media post ang litrato ng kanyang little ones. 

Kanilang ipinagdiwang ang ika-apat na buwan mula nang ipanganak ni Viviys ang kanyang mini me na si Baby Tokyo Athena sa tulong ng The Baby Village Studio. 

“Happy fourth month, my baby girl, my love!” ani Mommy Viy sa kanyang post.

Hango sa Disney character na si Cinderella, suot ni Baby Tokyo ang bright blue dress at yellow crochet headwear na talaga namang kinagiliwan ng netizens.

Full production setup ang mapapansin sa kanyang backdrop na hango rin sa nasabing karakter ng Disney.

Isa ring Cinderella-inspired cake ang regalo nina Mommy Viy at Daddy Cong na nagmula pa sa Doughable.

With Kuya Kidlat

Syempre, hindi buo ang milestone shoot ni Baby Tokyo kung wala ang kanyang kwelang kuya na si Zeus Emmanuel, a.k.a Kidlat.

Gaya ni Tokyo, nagbihis rin si Kidlat bilang si ‘Gus the Mouse,’ na hango rin sa konsepto ng nasabing Disney movie.

Maraming online tito and titas ang hindi napigilang manggigil sa cuteness overload na hatid ng magkapatid. 

Cristina Vendanillo: “So cute nyo magkapatid!”

Lin Gacutan Lappay: “Cutie little Cinderella and Gusgus!”

Jme Peralta: “Napakacute naman ng mga bebe na yan!”

Sinong Disney Princess naman kaya ang susunod na inspirasyon ng milestone shoot nina Kidlat at Tokyo?

Yenny Certeza

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Shares Essential Bath Time Safety Tips for Active Toddlers

As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…

20 hours ago

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

2 days ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

2 days ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

3 days ago

11.11 CRAZE: Get Your Team Payaman Fair Access on TikTok Shop

In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…

3 days ago

This website uses cookies.