Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw. Ang nakakapagod na trabaho, ang bagsik ng sikat ng araw dito sa ating bansa, at ang stressful na kapaligiran ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit tila nangungulubot at nawawalan ng glow ang ating kutis.

Sa bagong YouTube vlog ni Doc Alvin Francisco, ibinahagi niya ang mga kaalaman upang tayo’y tulungan na makamit ang younger-looking skin, kahit pa nasa gitna ng ating busy na pamumuhay.

Meet Juliet: Relate Ka Ba?

Sa simula ng kanyang vlog, ipinakilala ng resident TP doctor na si Doc Alvin si Juliet, isang karakter na tiyak na makare-relate ang marami sa atin. 

Siya’y isang breadwinner na walang humpay ang trabaho at palaging nakababad sa init ng panahon. Tulad ng marami, napansin ni Juliet ang hindi magandang pagbabago sa kanyang balat: lumitaw ang mga wrinkles at fine lines, at tila pagod na pagod ang kanyang itsura.

Kaya naman, handog ni Doc Alvin ang mga napakahalagang tips upang masolusyunan ang mga problemang ito sa balat na karaniwan nating nararanasan. 

Ibinahagi ni Doc Alvin ang ilan sa mga nakagawiang gawain ni Juliet na siyang nagdudulot ng paghina ng kanyang balat. 

Kabilang dito ang pagpupuyat, walang sapat na proteksyon sa araw, ang hindi paggamit ng sunblock, at ang pagkahilig sa matatamis bilang stress reliever.

“Kung mapapansin ninyo, ‘yung mga hobbies ni Juliet talaga ang nagc-cause kung bakit siya nagiging dull at tumatandang tingnan,” paliwanag ni Doc Alvin.

Hindi rin nakaligtas sa talakayan ang kahalagahan ng sapat na pag-inom ng tubig. Ayon kay Doc Alvin, ang hydrated na balat ay mas matibay at mas resistant sa mga skin damage.

Why & How?

Ayon kay Doc Alvin, ang pagbibilad sa araw, dehydration, kakulangan sa nutrisyon at tulog, at pagkakaroon ng bisyo ang ilan sa mga sanhi ng pagkakaroon ng premature skin aging.

Binigyang-diin naman niya ang mga simple ngunit epektibong paraan upang labanan ang mga ito kagaya ng pagkakaroon ng kumpletong tulog, pag-iwas sa matinding init ng araw, pagkakaroon ng skincare routine, at pagkain ng masustansyang pagkain.

Kapitbahay, Glow Up Na!

Bilang mahalagang paalala, pinaalalahanan ni Doc Alvin ang lahat na huwag mag-self-medicate kung mayroon silang kondisyon sa balat at laging kumunsulta sa isang mga propesyonal.

Sa huling parte video, ipinakita ang resulta ng pagsunod ni Juliet sa mga healthy tips ni Doc Alvin at kapansin-pansin ang pagbabalik ng natural na glow ng kanyang balat!

Kaya mga Kapitbahay, kung nais ninyong makamit ang malusog at younger-looking skin sa kabila ng ating abalang pamumuhay, huwag palampasin ang pinakabagong video ni Doc Alvin Francisco! 

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.