Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez.

Naririto ang ilan sa mga nakaka-aliw na clingy moments nina Daddy Cong at Kidlat sa kanilang Mommy Viy.

Clingy Serye

Tampok sa ilang mga Facebook posts ni Mommy Viy Cortez-Velasquez ang clingy moments ng kanyang mag-amang sina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Nangunguna ang panganay ni Viviys na patuloy ang pagsunod sa kanyang Mommy hanggang sa pagpunta nito sa CR.

Pilit na dumudungaw si Kidlat dahil ayaw nitong malayo sa kanyang ina habang ang kanyang Mommy Viy nasa banyo.

“Hanggang sa pag ebak po opo” ani Viviys sa kanyang post.

Agad din namang nasundan ang kanilang CR serye nang ipasilip ni Viviys sa kanyang Facebook reel ang pag-iyak ni Kidlat nang pansamantala niya itong iwan para gumamit ng banyo.

“Mommy! Sama!” umiiyak na sigaw ni Kidlat.

Maya-maya pa’y pinapasok na rin ni Mommy Viy ang anak dahil hindi ito matigil sa kanyang pag-iyak.

“Okay… kasama na po siya sa CR hahahahah” aniya sa isang Facebook post.

Hindi rin nagpahuli ang kanyang Daddy Cong sa pagiging clingy kay Mommy Viy matapos rin nitong sundan ang asawa sa CR.

“Bakit niyo ba ko kailangan sa saktong natae ako,” biro ni Viviys sa kanyang post.

Paliwanag nito, may nais baguhin si Cong TV sa kanilang CCTV kung kaya’t hinahanap nito ang kanyang misis.

“Need daw nya baguhin sa cctv need nya phone ko,” paliwanag nito.

Hindi rin nito maiwasang magbiro nang marami ang na-aliw sa litrato ni Cong TV na nakadungaw sa kanilang CR.

“Parang manyak lang HAHAHAHAHAHAH” biro ni Viviys.

Funny Reactions

Marami ang naaliw na mga netizens sa clingy seryeng hatid ng mag-amang Cong at Kidlat sa kanilang Mommy Viy.

Rose Ann Bermundo Celada: “Dati, gusto mo lagi makita si Cong, ngayon, may little Cong na ayaw kang tigilan. Napaka-cute!”

Mae Evidente Lopez: “Same here, Mommy Viy! Super clingy nung [anak ko noong] naging toddler stage hahaha!”

Sharmaine Dequiñon-Calubia: “Ganyan po talaga kapag may kasunod na baby, mas clingy ang 1st born.”

Hernalyn Jhoi Castillo: “Ang kyooot mo po Kidlat, para kang Papa mo!”

Kim Bulawan: “‘Yung kay Kidlat ang cute eh. ‘Yung kay Cong, nakakatakot!”

Watch the full video below:

https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=2643192105865663&id=100005246983398&rdid=p8dibCbSbq0GwY5Q

Kath Regio

Recent Posts

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

3 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

This website uses cookies.