Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang kanilang panganay na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Simula noon ayb tila hindi na siya nawala sa news feed ng mga netizens bilang isa sa mga cutie and memeable Team Payaman Kiddos! Alamin dito ang ilan sa mga kinagigiliwang videos ni Kuya Kidlat. 

Kidlat the Vlogger

Una na rito ang ibinahaging video ng kanyang Ninang Carmina Marasigan, a.k.a Ate Acar, kung saan tila nag-eensayo na si Kidlat para maging isang ganap na vlogger.

Masaya niyang binabati ng magandang umaga ang mga viewers na may kasamang malaking ngiti. 

“Hi, guys! Good morning!” sambit ni Kidlat.

“Ang galing naman, vlogger na rin si Kidlat,” caption ng kanyang Mama Acar.

Isa pa sa ikinatuwa ng netizens ay ang video upload ng kanyang Daddy Cong kung saan siya ay bumati ng “Hi, Viviys! Pawer!”

Kidlat the Student

Maraming beses din nagpakitang gilas si Kidlat ng kanyang talino na ikinatuwa ng netizens kagaya ng video upload ng kanyang Mommy Viy kung saan siya ay mabilis na nakababasa ng mga salitang nakasulat sa papel.

“Ang cute na, ang smart pa ng Baby Kidlat namin!” kumento ng isang netizen. 

Kidlat the Judger

Isa rin naman sa kinakaaliwan ng mga netizens ay kapag lumalabas ang tila mapanghusga niyang facial expression. Gagaya noong natunghayan niyang nagpapractice ng sayaw ang kanyang Tita Mau Anlacan. 

Ang pabirong tanong ng mga netizens: “Tingin pa ba ito ng paghanga o tingin ng panghuhusga?” 

Isa pang halimbawa ng “Boombastic Side-Eye” moment ni Kidlat ay noong kumanta naman ang kanyang Mommy Viy sa kanilang karaoke bonding.

“POV: Yung ikaw nagselect sa karaoke pero iba kumanta,” pabirong caption ni Mommy Viy.

“Na-offend na naman siya,” pabirong komento ng mga netizens.

Kidlat the Dancer

Hindi rin naman nagpapahuli si Kidlat na magpakitang gilas sa talento kapag sinasama siya ng kanyang mga magulang sa mga TikTok dance craze.

Isang halimbawa na ang kanilang cute family entry sa “Brother Louie Mix” kung saan ikinatuwa ng mga netizens ang pagkakahulma ng kanyang mga ekspresyon na gayang-gaya ang mukha ng kanyang ama.

Ikaw Kapitbahay, ano ang paborito niyong Kidlat Core? 

Alex Buendia

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Shares Essential Bath Time Safety Tips for Active Toddlers

As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…

12 hours ago

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

1 day ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

2 days ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

2 days ago

11.11 CRAZE: Get Your Team Payaman Fair Access on TikTok Shop

In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…

3 days ago

This website uses cookies.