Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa playschool.
Alamin ang mga naging paghahanda nito pati na rin ng kanyang Mommy Viy sa kanyang unang araw.
Sa isang TikTok video, ipinasilip ni Mommy Viy Cortez-Velasquez ang kanilang paghahanda sa unang araw ng playschool ng anak nitong si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat.
Bago tuluyang pumasok, abala na si Mommy Viy sa paghahanda ng baon ni Kidlat. Una na nitong binilhan ng mga baunang may disenyo na Spiderman upang ganahan itong kainin ang kanyang baon.
Sinigurado nito na bukod sa masarap ay masustansya ang pagkaing babaunin ni Kidlat sa kanyang eskwelahan.
“Mahilig sa gulay si Kidlat kaya ang lulutuin ko sa kanya is itlog na may ampalaya at tinapay,” pagbabahagi ni Mommy Viy.
“Ang saya ko, first time ko s’yang binaunan!” dagdag pa ng excited mom.
Nakiisa rin si Kidlat sa paghahanda ng kanyang baon at tinulungan ang kanyang Mommy Viy sa paghulma ng kanyang tinapay.
“‘Yung babaunin n’ya, ubos din n’ya!” biro ni Mommy Viy.
Ibinahagi rin ni Mommy Viy ang dahilan kung bakit napagdesisyunan nila ng asawang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV na ipasok na sa playschool ang kanilang panganay.
“Guys, home-schooled talaga si Kidlat pero ngayon, mayroon na s’yang once-a-week playschool na may mga classmates na. Para mayroon s’yang [experience] na pakikipag-play sa ibang bata,” aniya.
Personal na hinatid at sinamahan ni Viviys si Kidlat sa kanyang unang araw sa playschool. Hindi ito magkamayaw sa paglalaro at halatang na-enjoy ang pagpasok sa paaralan.
Marami naman din ang namangha sa pagiging hands-on ni Mommy Viy kay Kidlat at sa pagsasanay nito sa anak na kumain ng gulay.
Thea Lee: “Such a hands-on mom!”
Precious Mariano: “Napaka galing mo talaga Mrs. Velasquez. At the age of 2, napakain mo sya ng ampalaya. Salute to you! Napakagaling!
Eyhaa Colon: “Ang galing! Nakakabilib [‘yung] ganitong napapakain [ang] bata ng gulay.”
Jhane Elorde Gonzaga Solsona: “Very good, Kidlat kumakain ng ampalaya! [‘Yung] anak ko kahit anong gulay, ayaw kainin!”
Watch the full video below:
Vien Iligan-Velasquez is adding more stylish pieces to her wardrobe as she shares her latest…
Finding ways to encourage children to eat healthier can be a challenge for many parents,…
Between school, work, errands, and family activities, preparing healthy meals every day can be a…
The countdown to Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat just got even more exciting!…
As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…
Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…
This website uses cookies.