Hairstyle Dilemmas: Cong TV Proves Hair Theory is Real

Isa ngayon sa mga suliraning kinakaharap ng Team Payaman vlogger na si Cong TV ay ang kanyang bagong hairstyle.

Tunghayan kung paano nga ba ito napatunayan ang katotohanan sa likod ng “Hair Theory.”

Hairstyle Ratings

Kamakailan lang ay ginulat ni 32-anyos na vlogger na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV ang kanyang mga kasamahan sa kanyang bagong look.

Kasabay nito ang kapwa Team Payaman vlogger na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng sa pagpapakulot ng buhok.

Salungat sa kanyang pagkagalak, marami ang nanghinayang sa lumang hairstyle nito, kabilang na ang kanyang misis na si Viy Cortez-Velasquez.

“Ang pangit!” reaksyon ni Viviys nang unang makita ang new look ng mister.

Dala ng pagkadismaya sa kanyang bagong look, isa-isang binigyang puntos ni Cong ang kanyang mga naging hairstyle sa kanyang bagong vlog.

Aniya, naisipan niyang i-rate ang kanyang mga naging hairdo upang makita kung alin nga ba sa kanyang mga nagdaang hairstyles ang bagay sa kanya.

“‘Yan ‘yung mga buhok ko na talagang nadadala ako sa pedestal ng kapogian. Gumagana ‘yung tinatawag na hair theory” kwento nito.

Isa-isa ring kinategorya ni Cong ang kanyang mga naging hairstyles mula sa “pinakamaganda,” “maganda,” “sakto lang,” at “pwede na”.

Ibinahagi rin nito sa mga manonood ang pinaka-ayaw niyang hairstyle na ayon sa kanya ay ang pinakamatagal niyang hairstyle noon.

“Ito, sa lahat, ito ang pinaka-hate ko sa lahat kasi ang tagal ko s’yang buhok. Utang-uta na ako sa histura kong ‘to!” biro nito.

Hair Theory

Matapos isa-isahin ang kanyang mga hairstyles, napatunayan nito na totoo nga ang “Hair Theory” – isang konseptong lumalaganap ngayon sa TikTok na nagsasabing ang pagbabago ng hairstyle ay mayroong malaking epekto sa hitsura ng tao at maging sa persepsyon ng iba sa kanila. 

Marami sa kanyang mga tagapanood ang namangha nang unang masilayan ang hairstyle nito sa kasal nila ni Viy noong Hunyo.

Laman ng mga TikTok videos at Facebook reels si Cong dala ng paghanga sa kanyang “glow-up” at ganda ng hairstyle. 

@rain: “Hair theory is real!”

@snakeye: “Pumogi talaga si Cong, promise, bumabata!” 

“Nababasa ko na may pa-hair theory talaga sila [mga netizens] d’yan eh. Na talaga namang kaya baguhin ng buhok ‘yung pagmumukha ng isang nilalang,” biro nito.

Biro naman ni Viviys, “Balik ka na naman sa [pagiging] meme! Okay na ‘yung madaming nag-i-i-slow mo sa’yo!”

Funny Reactions

Nang isa-isang tanungin ang reaksyon ng kanyang mga kasamahan sa Congpound tungkol sa kanyang bagong curly hairstyle, tila nalungkot si Cong sa mga sagot nito.

“Panget!” walang kamuwang-muwang na sagot ni Kidlat.

“Bakit ka ba kasi nagpa-ganyan? Ang gwapo gwapo na n’ung buhok mo eh!” reaksyon ng kanyang ina.

Maya-maya pa’y sinugod nito si Boss Keng na s’ya ring mastermind sa kanilang hair perm bonding.

“Kasalanan mo ‘to, kasalanan mo ‘to! Bakit mo ako inaya magpa-perm” aniya.

Pabirong sagot naman ni Boss Keng, “Pogi ka naman ah?”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 hour ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

1 hour ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

This website uses cookies.