How to Prevent Ascites? Doc Alvin Explains Ivana Alawi’s Medical Condition

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ipinaliwanag ng vlogger at TP Friends na si Dr. Alvin Francisco, o mas kilala bilang si Doc Alvin, ang kondisyong medikal na naranasan ng kanyang kapwa YouTube content creator, model, at aktres na si Ivana Alawi. 

What is Ascites?

Ibinahagi kamakailan ni Ivana sa kanyang YouTube vlog ang aniya pinakamahirap na pinagdaanan niya sa buhay noong siya ay na-ospital ng halos isang linggo dahil sa pagkakaroon ng excess fluid sa tiyan.  

Kwento ni Ivana, pakiramdam niyang unti-unti na ring tumataas ang tubig na ito mula sa kanyang tiyan at tila nanigas na rin ito, kaya halos nagmukha na aniya siyang limang buwan na nagbubuntis. 

Dagdag pa niya ay kaunting lakad ay tila hirap na siyang makahinga at bawat paghinga ay parang nakakalunod.

Sa kanyang bagong vlog, ipaliwanag ni Doc Alvin na ang kondisyon na ito ay tinatawag na Ascites. Ito aniya ang fluid accumulation sa paligid ng bituka na maaaring dahil sa impeksyon o epekto rin ng Ovarian Hyperstimulation Syndrome or OHSS para sa mga babae, lalo na ang mga may Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) kagaya ni Ivana.

Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagiging bloated, mabilis na makaramdam ng pagkabusog, at biglaang pagbigat ng timbang.

Nawawala naman daw ito sa pamamagitan ng pagpapa-ihi gamit ang mga gamot na pampaihi o di kaya ang mas mabilis na proseso na isinagawa ni Ivana: ang pagpapabutas ng tiyan.

Upang maiwasan ang Ascites, payo ni Doc Alvin ay magkaroon ng balanced diet gaya ng pagkain ng mas maraming fiber at gulay, bawasan ang pagkain ng processed food na mga nakapakete gaya ng hotdog at mga delata, at higit sa lahat ay bawasan ang alcohol intake.

Sa halip, payo niya ay kumain ng whole food gaya ng mga manok at isda; magkaroon ng ideal body weight sa pamamagitan ng regular na ehersisyo; at magkaroon ng updated vaccinations. 

Watch the full vlog here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

1 day ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

1 day ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

2 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

2 days ago

Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…

3 days ago

Strength Beyond Skill: Boss Keng Leads Team Alfonso Siklab to MPPT

Naging pormal at puno ng saya ang ginanap na opisyal na media day at contract…

3 days ago

This website uses cookies.