Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa ng Sto. Niño de Cebu Parish ang taunang “Pagsinta kay Maria” bilang pagpapakita ng pagmamahal at debosyon sa Inang Birhen sa pamamagitan ng mga awit, dasal, at rosaryo, na dinadayo ng mga deboto.
Noong Oktubre 24, nakiisa sa nasabing pagdiriwang ang pamilya ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa Sto. Niño de Cebu Parish sa Biñan City, Laguna. Pinangunahan ng kanilang Padre de Pamilya, si Rolando Banaria Cortez, o mas kilala bilang “Papa WOW,” ang kanilang alay na debosyon bilang tanda ng kanilang pagpaparangal kay Maria.
Ayon kay Fr. Exuper G. Lumintac, OSA, Parish Administrator ng Sto. Niño de Cebu Parish, napakahalaga ng “Pagsinta kay Maria,” lalo na sa pananampalatayang Katoliko.
“Dito natin inaalay ang pagpaparangal kay Maria. Sa pamamagitan ng awit, dasal, at rosaryo.”
Pinaalalahanan din ni Fr. Lumintac ang mga kabataan na huwag ikahiya ang debosyon kay Maria, sapagkat sa pamamagitan ng konkretong hakbang tulad ng pagdadala ng rosaryo at paglapit sa mga imahen, ay mas lalo nilang mapapalapit ang kanilang sarili sa Ina ng ating Panginoong Hesukristo.
Sa kabilang banda, binigyang-diin naman ni Rev. Fr. Ric Anthony Reyes, OSA, Spiritual Director ng Parish Choirs, ang kahalagahan ng rosaryo.
Ayon sa kanya, “Ang Rosaryo ay isa sa mga pinakamalalim na paraan ng pagbibigay puri sa Kanya, dahil ang pagdarasal ng Rosaryo ay tulad ng pag-aalay ng mga rosas.”
Ayon naman kay Br. Edgar Ortega Balinado, Head ng Music Ministry ng parokya, ang “Pagsinta kay Maria” ay isang pagkakataon ng pagkakaisa ng komunidad sa pamamagitan ng pagmamahal sa Inang Birhen. Ito ay isang patunay ng matibay na pananampalataya at debosyon ng mga Katoliko kay Mama Mary.
Sa huli, nagbigay ng mensahe sa mga dumalo ang Assistant Head ng Legion of Mary ng simbahan na si Br. Ariel ‘Ayi’ Cabraera, upang ipagpatuloy ang pagpaparangal kay Maria at ang kahalagahan nito bilang gabay para sa lahat, lalo na sa mga kabataan, upang mas mapalapit sila sa Diyos.
Watch the full video here:
https://www.facebook.com/viylinemediagroup/videos/575556901675207
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…
Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…
Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…
Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…
Flowers undoubtedly enhance our world with their captivating charm and fragrance. The Philippines, blessed with…
This website uses cookies.