Top 3 #PatAga Kilig Moments Living Rent Free in Our Minds

Bukod sa CongTViy, PatEng, at JunnieVien, isa ngayon sa mga inaabangan ng mga manonood ay ang tambalang #PatAga ng Team Payaman.

Silipin ang ilan sa mga kilig moments na nahuli on cam ng love team na nabuo sa loob ng Congpound.

PatAga’s Debut

Matatandaang ibinunyag ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV sa kanyang vlog ang mga naging galawan ng editor nitong si Agabus Maza o mas kilala bilang Aga para mapansin ng sekretarya ni Viy Cortez-Velasquez na si Patricia Pabingwit

Sa nasabing vlog, hindi napigilan ng netizens na kiligin sa mga tagpo ng PatAga na nagsimula sa simpleng asaran ng Team Payaman boys.

Sa tulong nina Boss Keng, Junnie Boy, Burong, Bok, at Steve, sama-sama nilang sinubukang pagsamahin ang dalawa.

Bukod sa mga banat ni Aga, isa sa mga nagpakilig sa mga manonood ay ang pagbibigay nito ng pagkain kay Pat.

“Yonnnnnn!” sigaw ng TP boys.

“Si Pat nga, ang tawag na kay Ate Acar ‘mama’ na eh!” pagbubulgar ni Cong.

Takipsilim

Sa pagbyahe naman papuntang Cagayan ng Team Payaman, hindi rin nagpahuli sina Pat at Aga sa kanilang candid stolen shot habang takipsilim.

Nakuhanan ng magandang litrato ng editor ni Viy na si Gabby Santos ang PatAga habang nag-uusap na ibinahagi ni Aga sa isang Facebook post.

Wedding things

Kamakailan lang, muling nagbahagi ng kilig ang tambalang PatAga sa nagdaang #PerfectCongViynation wedding nina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez.

Ito ay matapos ipasilip ni Aga ang isang litrato kasama si Pat sa kanyang Facebook post.

Ilang araw matapos ang kasal, lumipad sina Cong at Viy sa Japan para sa kanilang honeymoon, dahilan upang mag-bonding din sina Pat at Aga.

“Nag honeymoon lang sila bossing, lumabas nadin kayo!!  HAHHAHA,” kwento ng pinsan ni Aga na si Mau Anlacan sa kanyang Facebook post.

Funny TP Reactions

Hindi rin magpapahuli ang ilang Team Payaman members sa kanilang mga reaksyon sa namumuong love team sa loob ng Congpound.

Kanya-kanyang mga nakakatawang komento ang natanggap nina Pat at Aga sa tuwing lalabas ang kanilang mga litrato online.

Pat Velasquez-Gaspar: “tamiiiiisssssss!”

Viy Cortez-Velasquez: “Mabuhay ang bagong kasal!”

Carlo Santos: “Mga anak, ito yung picture ng mommy at daddy niyo nung mga panahong nag liligawan pa lang kami”

Mau Anlacan: “Next na to!! Approved na sakin to insan!! HAHAHAHA”

Carmina Marasigan: “Naks pinatulog lang ako ng mga ito e!”

Vien Iligan-Velasquez: “Wag na umarte arte Patricia Ann”

Kevin Hufana: “HARD LAUNCH!”

Yenny Certeza

View Comments

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

34 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

40 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.