WATCH: Cong TV Trains Geng Geng for Pinoy Big Brother Gen 11

Sa kanyang bagong YouTube vlog, sinubok ng Team Payaman headmaster na si Cong TV ang talento ni Kevin Cancamo, a.k.a. Genggeng, na nagpahiwatig ng pagnanais na pumasok ng Pinoy Big Brother (PBB) House o Bahay ni Kuya.

Nitong buwan lang ay naglabas ng anunsyo ang nasabing reality show na magbubukas na muli sila ng auditions para sa aspiring housemates sa kanilang 11th season

Kuya

Kasama ang Team Payaman Wild Dogs, sinubok ni Cong ang kakayanan ni Genggeng kung papasa nga ba siyang housemate ni Kuya.

Kaya ko kayo inassemble dito, meron kasing nagpapaalam sa’kin,” ani Cong sa TP Wild Dogs.

Ako naman willing akong payagan siya na pumunta don,” dagdag pa nito.

Paalala lang ni Cong kay Genggeng na kailangan may baon siyang malungkot na istorya o aral na maibabahagi sa mga manonood.

Ilan sa naging hamon nila kay Genggeng ay ang rehistro ng mukha nito sa CCTV at kunyaring pag-iyak kung sakaling manalo.

Kinaumagahan naman habang natutulog si Genggeng ay nilapitan siya ni Cong TV na may hawak na telepono habang tila kausap sa kabilang linya si “Kuya.”

Kahit naalimpungatan ay binigyan siya nito ng kunyaring task na kantahin ang kantang “Buksan mo (Papasukin ako)” ni Willie Revillame.

Watch the full vlog here:

Pinoy Big Vlogger Training Center

Samantala, sa isang ekslusibong vlog ipinakita ang patuloy ang paghahanda ni Cong TV sa aspiring PBB housemate na si Genggeng. 

Pakiramdam ko talaga, hilaw pa siya as a talent para makapasok sa PBB,” ani Cong TV.

Upang mas gabayan si Genggeng, binuksan ni Cong ang tinaguriang “Pinoy Big Vlogger (PBV) Training Center” sa Congpound. 

Kasama ni Genggeng rito ang in-house housemates na sina Carmina – ang prinsesa ng Mindoro; Lyn, – ang lady sweetheart ng Caloocan; Jonas – ang munting puga ng Muntinlupa; Keboy – ang halata ng Bacoor; at si Pat – ang icing sa ibabaw ng cupcake ni Aga.

Ilan sa naging hamon ni Cong ay ang perpektong reaksyon sa pagpasok ng bahay, pagpapakilala sa iba pang housemates, pagcomfort sa mga natanggal tuwing eviction night, pagharap sa kunwaring pagaaway, at pagpromote ng paparating na proyekto bilang artista.

Alex Buendia

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.