Viy Cortez-Velasquez & TP Wild Dogs Take on a Gift Mission in a Recent Vlog

Isang panibagong content na naman ang hatid ni Viy sa kanyang latest vlog kung saan nakasama niya ang tinaguriang “Team Payaman Wild Dogs” na sina Dudut, Boss Keng, Junnie Boy, Bok, Mentos, Yow. 

Sa kanyang bagong upload, isang kakaibang misyon ang ibinahagi ni Viy,  ang makabawi sa kanyang kumpare at makapili ng espesyal na regalo para sa limang buwang gulang niyang inaanak na si Queen Sabana.

Wild Dogs on the Road

Kwento ni Viy, biglaan lamang ang kanilang pagkikita sa isang mall noong nakaraang araw kaya naman nais niyang patunayan na karapat-dapat siyang maging Ninang ng kanyang anak.  

Upang maisakatuparan ito, isinama niya ang kanyang mga kaibigan na aniya’y mapagkakatiwalaan niya pagdating sa pagpili ng regalo.

Sa loob pa lamang ng sasakyan ay umarangkada na ang asaran kung saan kilala ang “Wild Dogs” sa ganoong estilo. Punong-puno ng biruan ang kanilang byahe kung saan sinabi pa nila na si Viy lang ang nakapagpasama sa kanila ulit. 

From Gift Hunt to Food Trip

Pagdating sa Quiapo para sa meet-up ng kumpare, mas lalong naging magulo at mas masaya ang eksena. Imbes na agad makahanap ng regalo, nauwi muna sa food trip sila Viviys. Mula sausage, puto, chow fan at iba’t ibang street food finds, tila mas naging prioridad ang pagkain kaysa sa pamimili.

Sa gitna ng kaguluhan, tila nadismaya si Viy dahil wala pa rin silang nabibiling regalo. Umabot pa sa puntong nag-sorry siya sa kumpare at sinabing mali ang mga nasama niya dahil puro kain at kalokohan lang ang ginawa. Pero syempre, hindi magpapahuli ang “Wild Dogs.”

Sa huling parte ng vlog, inamin ng grupo na may plano talaga sila. Nakabili na pala sila ng mga regalo nang hindi alam ni Viy. Isa-isang inilabas ang mga sorpresa, may kasamang “Love, Joy, Hope” theme pa at ibinigay ito bilang munting handog para kay Baby Savannah.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.