Hindi lang ang ganda ng dagat ang nasaksihan ng Team Payaman sa kanilang bakasyon sa Mindoro kamakailan, kundi pati na rin ang isa sa pinakamahirap na pinagdadaanan sa buhay ni Boss Keng.
Sa recent YouTube vlog ni Burong, naging usap-usapan ng grupo ang hindi inaasahang ‘waterfalls’ na naganap—hindi sa bundok, kundi sa gitna ng mga binti ng Team Payaman member.
Naging matindi ang tensyon nang abangan ng tropa, kabilang sina Cong TV, Junnie Boy, Yow, Burong, at Bok Magnata ang paglabas ni Boss Keng mula sa banyo. Inilarawan pa ng grupo ang sitwasyon na parang nasa loob ng isang operating room.
“Malalaman natin kung basa o buo ang lalabas,” biro pa ni Burong habang abalang-abala si Boss Keng sa pakikipaglaban sa kanyang tiyan.
Ayon kay Boss Keng, ang kanyang pakiramdam ay nakakahilo pa dahil sa tindi ng diarrhea o LBM na kanyang naranasan.
Sa kabila ng nakakatawang sitwasyon, hindi naman pinabayaan ng Team Payaman si Boss Keng.
Dahil sa mala-’waterfalls’ na sitwasyon, nag-alala rin ang grupo sa dehydration na naranasan ni Boss Keng, kaya naman agad siyang binilhan ng pagkain at inumin para bumalik ang lakas.
Sa huli, naging matagumpay naman ang misyon at nakahinga na ng maluwag ang lahat.
Bagama’t medyo ‘dugyot’ ang naging tema ng naturang vlog, muling napatunayan ng Team Payaman na sa hirap o sa ginhawa (at kahit sa loob ng kubeta), hinding-hindi nila iiwan ang isa’t isa.
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.