Matapos ang kanilang huling release na “LASON” noong December 5, 2025, muling nagbalik ang Filipino rap-rock band na COLN sa music scene taglay ang kanilang bagong single na “Wasak.”
Kamakailan lang, opisyal nang inanunsyo ng COLN ang kanilang pinakabagong single na “Wasak,” na pinangungunahan ni Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, at binubuo rin nina Yow Andrada, Awi Columna, Gio Herrera, at Nins Denso.
Sa bagong awiting ito, malinaw mula sa simula ang mensahe ng pagbitaw sa nakaraan at muling pagbangon. Ang mga imaheng tulad ng pag-aalis ng piring at paglilibing sa kahapon ay sumisimbolo sa paggising at pagtanggap sa katotohanan.
Sa mga taludtod, inilahad ang pagod sa patigasan at palakasan, gayundin ang pagkilala sa mga maling pinanggagalingan ng panandaliang kasiyahan.
Kasabay nito, ipinapakita rin ang pakiramdam ng pagkakulong sa sariling pagkakamali, habang sinasalamin ang matibay na pasyang kumawala at hindi na bumalik sa dating mundo.
Sa pamamagitan ng “Wasak,” ipinapakita ng COLN ang kanilang kakayahang mag-eksperimento sa tunog at lalim ng mensahe.
Bilang resulta, pinapatibay nito ang kanilang identidad bilang isang banda na gumagawa ng mas personal at makabuluhang musika para sa kanilang tagapakinig.
Ang “Wasak” ay mapapakinggan na sa Spotify at iba pang streaming platforms, kasama ang official lyric video sa YouTube channel ng COLN.
Samantala, maraming tagahanga ang natuwa sa muling pagbabalik ng COLN, na nagpakita ng suporta at pagkagalak sa kanilang bagong single.
Kim Villafuerte: “Back to back release!”
Ruxton Cyrus H. Arizabal: “Angas!”
Pau Rendora: “Welcome back!”
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.