Can Viy Cortez-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, and Vien Iligan-Velasquez Take Over TP Kids For A Day?

Isang kwelang hamon ang tinanggap ng Team Payaman moms na sina Viy Cortez-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, at Vien Iligan-Velasquez.

Malagpasan kaya ng TP moms ang isang araw na puno ng kulitan, kwentuhan, at harutan ng kanilang mga anak?

TWO IN ONE

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Viy Cortez-Velasquez ang kanyang mga hipag na sina Pat Velasquez-Gaspar at Vien Iligan-Velasquez.

Bukod sa mga ito, present din ang kanilang mga anak na magiging susi sa hamon na kanilang tinanggap.

Napagkasunduan ng TP mom trio na mamasyal kasama ang kanilang mga panganay at bunso ng walang anumang tulong mula sa kanilang mga asawa at mga angels.

Ang twist ng kanilang vlog challenge ay kung sino man sa kanilang mga anak ang may pinakamaraming pag-iyak ay silang magbabayad ng kanilang mga tatahaking aktibidad.

“Hindi pa kami nakaka 200 meters, may ginagawa na naman dito!” biro ni Pat.

Nagsilbing taga-entertain si Mavi dahil kaliwa’t kanan ang pag-iyak ng kanyang mga nakababatang pinsan.

Una na ang pagkain ng tanghalian sa talaga namang sumubok sa tatag at pasensya nina Mommy Viy, Mommy Vien, at Mommy Pat.

Hindi napigilang mapahalakhak nina Viy at Vien dahil lamang ang anak ni Pat na si Isla sa kanyang mini ‘tantrum’ moments, dahilan upang siya ang magbayad ng kanilang kinain. 

Matapos kumain, dumeretso sa toy store ang mag-iina upang mamili ng mga laruan, kung saan hindi na nagkamayaw ang mga bata sa pamimili.

Sunod naman ang pamimili ng mga damit sa aktibidad na kanilang ginawa, kung saan si Viviys ang nagbayad dahil sa bilang ng iyak nina Kidlat at Tokyo.

Matapos ang hamon, malalim na reyalisasyon ang hatid ng Team Payaman moms matapos silang sumabak sa isang araw ng pag-aalaga ng mga anak.

“Kapag lalabas kami, kasama talaga sila Nanay. May kasalitan. Ineexpect ko naman ito na magulo pero masaya,” ani Pat.

Malaki rin ang pasasalamat ng dalawa kay Vien sa tulong at pag-alalay niya sa pag-alaga kina Kidlat, Tokyo, Isla, at Ulap.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naaliw sa kakaibang content na hatid ng Team Payaman moms kasama ang kani-kanilang mga anak.

@XyraRoseBianito: “Word of the day “HINDE” – Isla”

@dyosabeaulet24: “Appreciated Vien sobrang willing to lend hand kina Viy at Pat whenever may need abutin, ayusin at tuwing may umiiyak sa mga bagets. You’re blessed to have a sis in law na ganyan ka helpful and supportive!”

@ramchristalgarcia1872: “Grabe si Kidlat, parang 42 na kung magsalita HAHHAHAHAHAH”

@ELLYZAJOYSEBIDO-dy2ly: “Tawang tawa ako kay Isla, nong umiiyak na yong mga kapatid nya don sya tumawa”

@mattserafica9535: “Yung titig ni Vien, pati ako titino eh!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Enjoy a Quick Escape in Tagaytay

Napuno ng matatamis na tagpo ang quick getaway nina Boss Keng at Mommy Pat sa…

5 hours ago

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

2 days ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

2 days ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

3 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

3 days ago

Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…

4 days ago

This website uses cookies.