Josh Cullen Bags Back-to-Back Recognition at the 9th Wish Music Awards

Hindi lang isa kundi dalawang parangal ang inuwi ni Josh Cullen bilang solo artist sa 9th Wish Music Awards na ginanap sa Araneta Colliseum. 

Tinanggap din ng SB19 member ang mga parangal ng Wish Music Awards para sa kanilang grupo na SB19 na nag-uwi ng tatlong awards, kabilang na ang “Wish Group of the Year.”

Back-to-back performance and awards

Matapos ang kanyang solo performance sa Asia Pacific Predator League 2024 noong Linggo – January 14, 2024, ay dumiretso sa Araneta Colliseum si Josh Cullen para sa nasabing awards night. 

Bukod kasi sa nominado ito sa iba’t-ibang kategorya ay pinaiinit rin ng 30-anyos na singer-songwriter ang Wish stage sa kanyang performance. 

Source: Wish FM 107.5

Unang tinanggap ni Josh ang parangal na Wishclusive R&B Performance of the Year para sa Wish Bus performance ng kantang “I Want You” ng SB19

Tinanghal ding Wishclusive Pop Performance of the Year ang top-trending “Gento” ng SB19, habang Wishclusive Hip-Hop Performance of the Year naman ang “Rocksta” ng SB19 member na si Ken Suson, a.k.a Felip. 

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Josh nang tanggapin nito ang parangal bilang Wish Breakthrough Artist of the Year

“Salamat po, salamat dito sa award na ‘to. Ito ay siyempre ite-treasure ko pang habang buhay,  at hindi lang para sa’kin ‘to, siyempre [para] sa inyo ‘to, yung mga naniniwala sa’kin,” ani Josh sa kanyang acceptance speech. 

Ngunit laking gulat ng “Wild Tonight” hit-maker nang tawagin din siya bilang Wishers’ Choice of the Year. 

“Shout out sa mga taong naniwala sa’kin from the very beginning. Of course, my BBQs, A’tin, and my family, siyempre Ocho [the Bullet]. And of course maraming maraming salamat po siyempre sa mga ka-grupo ko rin. This 2024 mas gagalingan ko pa.”

Kwento ni Josh Cullen, sinimulan niya ang kanyang karera bilang solo artists noong 2023, kung saan nakapag release ito ng apat na kanta sa loob ng isang taon sa kabila ng pagiging busy bilang miyembro ng SB19. 

Shout out to A’tin

Samantala, sa isang panayam labis ang naging pasasalamat ni Josh sa kanilang fans na kung tawaging ay A’tin, dahil sa kanilang walang sawang suporta at pagmamahal sa SB19 at bawat miyembro nito.

“A’tin salamat po, thank you so much for everything. Salamat po kasi nandyan kayo parati, kahit anong sakuna, kahit anong award show man yan o kahit anong event maliit man o malaki, solo man o hindi nakasuporta kayo kaya maraming salamat, mahal na mahal po namin kayo.”

Kamakailan lang ay nakisaya rin ang nasabing SB19 member sa Team Payaman Fair Paawer Up na ginanap noong December 27-30, 2023 sa SMX Convention Center Manila. Gusto niyo ba ulit makita si Josh Cullen sa susunod na Team Payaman Fair, mga kapitbahay?

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.