Categories: Uncategorized

LOOK: Alex Gonzaga, Mikee Morada Bravely Face Viy Cortez’s Lie Detector Challenge

Bagong taon kaya bagong mga mukha rin ang sumabak sa Lie Detector Challenge ni Viy Cortez. Matapan na tinanggap ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada ang hamon ni Viviys na kanilang kauna-unahang collab sa Congpound. 

Sa bagong vlog ni Viy Cortez, tila nagkabukingan ang mag-asawa kaugnay sa mga bagay na matagal na nilang nais tanungin sa isa’t isa. 

Aminado ang celebrity vlogger na first-time niyang sumabak sa Lie Detector Test at marami siyang nais itanong sa asawa. 

Matapang na sinagot ni Lipa City Councilor Mikee Morada ang mga tanong ng kanyang misis gaya nang “Do you think I’m a good lover?”

Sagot naman ni Mikee:  “Yes. You’re a wholesome lover.”

Sinagot rin ng mister ni Alex kung na-turn off ba ito sa kanya sa tuwing nababash ito sa social media. 

Aniya: “Eh kilala kita, alam ko naman yung totoong nangyari. Ang initial ano [responsibility] ko protektahan [ka].”

Tila nakahanap naman ng kakampi si Mikee sa katauhan ni Cong TV nang tanungin siya ni Alex kung mayroon itong crush na artista o influencer na parati niyang tinitignan sa social media, kung saan nahuling nag sinungaling si Mikee. 

“‘’Di ba minsan napapa-browse browse ka, nagagandahan ka minsan pero wala kang sinusundan talaga,” ani Mikee. 

“Normal lang yon. Nadadaanan mo ‘ang ganda’ o next na,” pag sangayon naman ni Cong. 

Sumabak din si Alex sa Lie Detector Challenge kung saan walang preno nitong sinagot na minsan na nyang kinumpara ang asawa sa iba. 

“Ibig kong sabihin kasi dati yung mga past relationships ko, panget na relationships. So si Mikee tinuruan niya ko what it’s like to be in a relationship at ano talaga ang feeling pag mahal niyo ang isa’t-isa,” paliwanag ni Alex.

Inamin din ng aktres na minsan na nyang inisip na sana tumigil na sa kanyang karera bilang pulitiko ang mister dahil parati niya itong namimiss. Ngunit nakikita naman daw niya na nag-eenjoy si Mikee sa kanyang trabaho kaya suportado niya ito.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.