Steve Wijayawickrama Pays it Forward; To Share Fitness Challenge Prize With Viewers

Makapanindig balahibo ang naging paglalakbay ng Team Payaman sa pagkamit sa kanilang health and fitness transformation sa nagdaang Fitness Challenge ni Cong TV.

Ngayong itinanghal ng kampeon ang editor-turned-vlogger na si Steve Wijayawickrama, ito naman ang kumasa sa daily vlogs at nangakong ibabahagi ng kanyang napanalunan sa pamamagitan ng weekly giveaways.

Quality Transformation

Ipinasilip ng TP Fitness Challenge contender na si Steve Wijayawickrama sa kanyang bagong vlog ang ilan sa mga unseen footages nito matapos ianunsyo ni Cong TV ang hamon noong Setyembre.

Simula pa lang ay determinado na si Steve na masungkit ang tumataginting na isang milyon, kung kaya’t naghanap ito ng mga ka-alyansang makakasama sa kanyang fitness journey gaya nina Kevin Hermosada, Mentos, at Bok.

Bago magsimula, sumangguni rin si Steve sa resident physical therapist ng Team Payaman na si Carding Magsino.

“‘Pag wala ka nang makuhang energy through carbs, kukuha s’ya sa protein. Eh ‘yung protein, muscle. Kaya ibig sabihin workout ka ng workout [tapos] lalaki muscle mo, ‘di tama ‘yun,” ani Carding.

Matapos magkalap ng impormasyon, ibinahagi ni Steve ang kanyang strategy na gagamitin para sa nasabing fitness challenge.

“Pagkain? Diet! Dapat lahat monitored” ani ng Sri Lankan vlogger.

Nilimitahan nito ang kanyang pagkain sa 2000-calories kada araw upang maiwasan ang sobrang pagkain.

Isa rin sa mga istratehiya ni Steve ay ang pagsasanay sa sarili na matulog mula alas-diyes ng gabi hanggang ala-siete ng umaga upang makabuo ng 7-9 oras na tulog. 

Hindi naman ito nabigo sa kanyang paghahanda dahil kakaibang transpormasyon ang natamo ni Steve Wijayawickrama matapos ang isang buwang puspusang pag-aalaga sa sarili.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi rin nito ang naging pagbabago sa kanyang katawan.

Pay It Forward

“Dahil sa ginagawa mo [Cong TV], na-inspire ako. Kaya, magde-daily vlogs na rin ako,” sabi ni Steve.

Bukod sa pagsisimula sa daily vlogs, isa rin sa dapat abangan ng mga manonood ay ang mga papremyo nito kada linggo. Narito ang mga paraan kung paano manalo: 

  1. I-like ang bagong YouTube vlog ni Steve.
  2. Magkomento ng mga nakaka-pukaw na mensahe para kay Steve.
  3. Tandaan na ang bawat komento ay katumbas ng isang entry.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

21 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

4 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

5 days ago

This website uses cookies.