Check Out Tibabi’s Kitchen’s Yummy Cheat Day Treat That You Can Try at Home

Upang magkaroon ng balanse at healthy lifestyle, paminsan-minsan ay kailangan magkaroon din ng tinatawag na “cheat day,” kung saan hahayaan mo ang iyong sariling kumain ng kahit anong cravings mo.

Kaya naman hatid ngayon ng resident baker ng Team Payaman na si Abigail Campañano-Hermosada ang katakam-takam na meryenda para sa kanyang mga kasamahan na pwedeng niyo ring gayahin sa bahay!

Corn Muffins ala Abi

Sa kanyang bagong vlog, itinuro ni Abigail Campañano-Hermosada ang paraan kung paano gumawa ng masarap na Corn Muffins. 

Una munang namili ng mga gagamiting ingredients ang mag-asawang Kevin at Abi para sa kanilang cheat-day merienda.

Pagkauwi, agad na sinimulan ni Abi ang paghahanda ng kanyang mga kakailanganin sa paggawa ng Corn Muffins gaya ng mga sumusunod:

  • 4 cups All Purpose flour
  • 1 ½ Evaporated Milk
  • 2 Cups Corn liquid na galing sa canned corn
  • 1 cup Melted Butter
  • 282 g White Sugar
  • 2 Corn Kernel
  • 2 Whole Eggs
  • 40 g Baking Powder
  • 230 g Polenta

“Sobrang dali lang nito guys, pwedeng pwede ‘to sa mga chikiting!” aniya.

Unang pinaghalo ni Abi ang All Purpose Flour, Polenta, Asukal, at Baking Powder upang maging pulido ang pagka-alsa ng Muffins. Sunod nitong hinalo ang mga wet ingredients gaya ng Itlog, Evaporated Milk, at corn liquid. 

Nilinaw ni Abi na kung walang hulmahan ng cupcake o muffin, pwedeng pwede itong gawing pancake mix sabay luto.

Matapos ang paghahalo, sinubukan ng Team Payaman boys na gawin munang pancake ang mga natirang corn muffin mixture ni Abi.

“Ang sarap!” anila.

Matapos ang bente minutong pagluluto ng muffins, handa na ito para ipatikim sa mga kaibigan sa Congpound.

The Verdict

Bawat miyembro ng Team Payaman ay nabigyan ng pagkakataong matikman ang cheat day treat na hatid ng TiBabi’s Kitchen.

Unang nakatikim ang mga kasamahan nila Abi sa Content Creator House, sunod naman ang buong Iligan-Velasquez family.

Hindi napigilan ng mga ito, kasama na si Baby Viela, na mapakain ng madami dahil sa masarap at masustansyang Corn Muffins.

Sunod namang pinatikim ng mag-asawang Kevin at Abi sina Cong TV at mga kasamahan nito House G. Hindi rin nagdalawang isip si Geng Geng na tikman ang gawa ng kanyang ate Abi sabay sabing: “Ang sarap, matamis!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

17 hours ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.