Hindi maipagkakaila na isa ang Lady Rider vlog ni Viy Cortez sa mga nagpayanig sa mundo ng social media.
Bukod sa kanilang mga “sana all,” hindi rin napigilan ng mga netizens na ipahatid ang kanilang mga nakakatawang mga reaksyon sa “Lady Rider Era” ni Viviys.
Ginulat ni Viy Cortez ang Team Payaman fans sa kanyang kakaibang effort na matutong magmotorsiklo upang masabayan ang trip ng fiance na si Cong TV.
Inulan ng samu’t-saring reaksyon ang surpresa ng 27-anyos na vlogger at kasalukuyang Top 1 Trending pa rin sa YouTube Philippines.
Sa isang Facebook post, isiniwalat ni Viy na ang nakakatuwang kwento sa pagbili niya ng bagong motorsiklo. Aniya, sa kaibigan nilang si Adam Navea nakapangalan ang rehistro ng kanyang bagong Kawasaki Ninja 400.
“Sa sobrang tago madam pati track suit nasakin. Madam may aaminin ako, di ba sabi mo sampay ko yung track suit kasi nabasa?” komento naman ni Adam.
“Hindi ko po nasampay madam sa pagod, sinabi ko na lang ho nasampay kaya nung second day madam amoy lalake nadin ho kayo. Ahahahahaha,” dagdag pa nito.
Hindi rin napigilan ng ilang Team Payaman members na ipahatid ang kanilang mga nakakatuwang mga reaksyon sa new hobby reveal ni Viy.
Nangunguna na rito ang personal assistant nitong si Patricia Pabingwit na pabirong ibinunyag ang “secret mission” ng kanyang boss.
“Kasalukuyan po nating nasasaksihan ang ating CEO ng VIYLine OPC. Wala pong may alam. Time check mag 5PM na po ng July 14 wala pong nakaka-alam sa kanyang mga plano sa buhay!” bungad nito.
Nag-iwan rin ng ilang komento ang mga netizens matapos mapanood ang bagong vlog ni Viy.
Anna Juntila: “Pwede ka na sa Grab Food or Food Panda Ms.Viy! Pwede na din Ikaw magdeliver parcel mga Viyline HAHAHA”
Ro Bi: “Sana all! sana yong misis ko din matuto na mag motor para pag galing kami sa okasyon pag nalasing ako sya na mag drive pauwi. para todo ang inom ko. 😂😂”
Bicolanong Papogi: “Mawawalan Ng trabaho ung delivery rider ng VIYLine 😂😂😂”
Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…
Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…
Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…
Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…
In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…
Halloween is often associated with costumes, colorful decorations, and a little bit of spooky fun.…
This website uses cookies.