Hilarious Reactions to Viy Cortez Lady Rider Surprise to Cong TV

Hindi maipagkakaila na isa ang Lady Rider vlog ni Viy Cortez sa mga nagpayanig sa mundo ng social media.

Bukod sa kanilang mga “sana all,” hindi rin napigilan ng mga netizens na ipahatid ang kanilang mga nakakatawang mga reaksyon sa “Lady Rider Era” ni Viviys. 

Lady Rider #14

Ginulat ni Viy Cortez ang Team Payaman fans sa kanyang kakaibang effort na matutong magmotorsiklo upang masabayan ang trip ng fiance na si Cong TV

Inulan ng samu’t-saring reaksyon ang surpresa ng 27-anyos na vlogger at kasalukuyang Top 1 Trending pa rin sa YouTube Philippines. 

Sa isang Facebook post, isiniwalat ni Viy na ang nakakatuwang kwento sa pagbili niya ng bagong motorsiklo. Aniya, sa kaibigan nilang si Adam Navea nakapangalan ang rehistro ng kanyang bagong Kawasaki Ninja 400. 

“Sa sobrang tago madam pati track suit nasakin. Madam may aaminin ako, di ba sabi mo sampay ko yung track suit kasi nabasa?” komento naman ni Adam.

Hindi ko po nasampay madam sa pagod, sinabi ko na lang ho nasampay kaya nung second day madam amoy lalake nadin ho kayo. Ahahahahaha,” dagdag pa nito.

Funny Reactions

Hindi rin napigilan ng ilang Team Payaman members na ipahatid ang kanilang mga nakakatuwang mga reaksyon sa new hobby reveal ni Viy.

Nangunguna na rito ang personal assistant nitong si Patricia Pabingwit na pabirong ibinunyag ang “secret mission” ng kanyang boss.

“Kasalukuyan po nating nasasaksihan ang ating CEO ng VIYLine OPC. Wala pong may alam. Time check mag 5PM na po ng July 14 wala pong nakaka-alam sa kanyang mga plano sa buhay!” bungad nito.

Nag-iwan rin ng ilang komento ang mga netizens matapos mapanood ang bagong vlog ni Viy.

Anna Juntila: “Pwede ka na sa Grab Food or Food Panda Ms.Viy! Pwede na din Ikaw magdeliver parcel mga Viyline HAHAHA”

Ro Bi: “Sana all! sana yong misis ko din matuto na mag motor para pag galing kami sa okasyon pag nalasing ako sya na mag drive pauwi. para todo ang inom ko. 😂😂”

Bicolanong Papogi: “Mawawalan Ng trabaho ung  delivery rider ng VIYLine 😂😂😂”

Likes:
0 0
Views:
732
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *