Vien Iligan-Velasquez Starts Motorcyle Riding Journey as Lady Rider #15

Kumpirmadong laganap na ang epidemiya ng pagmomotorsiklo sa Team Payaman matapos maimpluwensyahan pati ang mga kababaihan sa grupo. 

Kamakailan lang, inumpisahan ni Viy Cortez na pag-aaral na mag motorsiklo, sinundan naman ito ng surpresang bagong motor ni Boss Keng sa kanyang misis na si Pat Velasquez-Gaspar. 

Kaya naman, hindi nagpahuli si Vien Iligan-Velasquez at sinimulan na rin ang pag-eensayo sa pagmamaneho ng motorsiklo. 

Riding Lessons

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien ang kanyang journey bilang Lady Rider #15 ng Team Payaman Moto Club. 

Sinimulan ng 26-anyos na vlogger ang kanyang riding journey sa pagbili ng riding suit at safety gears upang masigurong ligtas ang kanyang pag-eensayo. 

“Dati bathing suit lang, ngayon motor suit na!” biro ni Vien. 

Sunod naman itong sumabak sa pangmalakasang riding lessons sa tulong ni Coach Dashi ng Watanabe Riding Development (Riding School) na naging riding coach din ni Viy Cortez.

“So guys first day ni Vien kasi inengganyo ko siya. Sabi ko para dalawa kaming magpa-practice,” ani Viviys. 

“Feeling ko magpapabili ako ng scooter kay Jun,” ani Vien matapos ang unang tagumpay na pag ikot sa race track. 

“Ang pangalan ko Mommy Moto!” dagdag pa nito. 

Matapos ang tagumpay na pag eensayo sa race track, sumabak naman sa iba pang riding skill training si Vien sa MotoClyde Training Center sa Santo Tomas Batangas. 

“Ang MotoClyde ay isang motorcycle training center kung saan matututo ka ng iba’t-ibang skills na pwede mong gamitin sa pagmomotor sa streets or sa road,” paliwanag ni Aaron Macacua, a.k.a Burong. 

Lady Rider #15

Matapang na hinarap ni Vien ang iba’t-ibang hamon sa riding school at masayang natuto ng mga basic technique sa pagmamaneho ng motorsiklo. 

Ipinagmalaki rin ni Vien na nasubukan nitong mag “one hand driving” habang nag-eensayo. 

“So first session pa lang ‘to, hindi ako agad pwedeng magyabang, wala pa, safety pa lang yon!”

Proud husband naman ang peg ni Junnie Boy nang makita ang mabilis na pagkatuto ni Vien sa pagmomotorsiklo. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

13 hours ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

23 hours ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

2 days ago

11.11 CRAZE: Get Your Team Payaman Fair Access on TikTok Shop

In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…

2 days ago

A Little Magic, A Lot of Heart: How Purple Hearts by Love Kryzl Brings Its Brand to Life Through Halloween

Halloween is often associated with costumes, colorful decorations, and a little bit of spooky fun.…

2 days ago

This website uses cookies.