Matapos mag top-trending ang Tokyo, Japan vlog ni Cong TV, sinundan naman ito ng Japan travel POV ng kanyang fiance na si Viy Cortez.
Pinasilip ngayon ng 27-anyos na vlogger at VIYLine CEO ang ilang kaganapan sa kanilang bakasyon at prenup shoot sa Japan.
Ibinunyag din ni Viviys ang sikreto sa kanyang glowing beauty bilang paghahanda sa nasabing milestone sa relasyon nila ni Cong TV.
Pagtapos mamalagi sa Osaka, Japan ay lumipad naman pa-Tokyo Japan ang pamilya nina Viy Cortez, Cong TV, at Kidlat.
Kabilang sa pinasyalan ng grupo ay ang world-famous Tokyo, Disneyland at iba pang arcade center, kung saan sinubukan nilang makakuha ng laruan sa mga claw machine.
Bumisita rin sila Viviys sa isang sikat na Japanese temple na diumano’y makakapagsabi ng kapalaran ng isang tao.
Ikinatuwa naman ni Viy ang lumabas sa kanyang fortune reading na nagsabing swerte ang pagpapakasal at may papasok na bagong trabah ngayong taon.
Samantala, ibinunyag din ni Viy Cortez ang kanyang sikreto upang mapanatiling fresh at glowing ang kanyang beauty para sa kanilang Japan prenup photoshoot.
Bukod sa beauty rest at tulog, baon baon din ni Viviys ang kanyang Crystal Glow Lychee Collagen Drink.
“Isa sa mga preparation ko para makapag beauty rest, para maganda ako bukas syempre, ay ang pag inom syempre ng Crystal Glow,” ani Viy Cortez.
Ayon pa sa batikang vlogger, bukod sa masarap na flavor ng nasabing collagen drink, ramdam niya ang magagandang epekto nito sa kanyang kalusugan.
Una na riyan ay ang masarap at mahimbing na pagtulog. Feeling refreshed at energized din daw siya kinabukasan sa tuwing umiinom siya nito bago matulog sa gabi.
Ang Crystal Glow Lychee Collage Drink ay mabibili sa official Shopee, Lazada, at TikTok shops n g VIYLine Cosmetics.
Watch the full vlog below:
Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…
Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…
Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…
Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…
"Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
This website uses cookies.