Team Payaman’s Dudut Lang Flaunts New Motorcycle Investment

Dahil nahihilig ngayon sa pagmomotorsiklo ang Team Payaman boys, hindi nagpahuli si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa pagbili ng bagong motor. 

Matatandaang minsan ng naaksidente sa pagmomotorsiklo si Dudut, ngunit hindi naging hadlang ito upang itigil ang kanyang pagmamaneho. 

Flexing Time

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Dudut ang mga sandali bago tuluyang makuha ang bagong biling motorsiklo.

“Excited ako sobra! Ngayon kasi dating ng motor ko ‘eh!” bungad nito.

Agad itong naglibot sa Congpound upang ihatid ang magandang balita sa kanyang mga kasamahan. Una na nitong ibinalita kay Cong TV ang pagdating ng kanyang bagong motorsiklo.

“Ngayon pa lang tatanungin na kita. Ikaw, maganda motor mo, ‘pag nakuha ko na ang motor ko, ano ka? Kakampi o kalaban?” tanong ni Dudut.

Sagot naman ni Cong: “Kakampi!”

Ibinahagi rin ni Dudut na kakaibang klase ng motor ang hinihintay nito na talaga namang makakapagpakilabot sa kanyang mga kasamahan.

Sunod naman nitong inusisa ang magiging reaksyon ni Boss Keng.

“Bumili kasi ako ng motor. Ngayon, tatanungin lang kita. Kalaban ka ba o kakampi?” tanong ni Dudut.

Ayon naman kay Boss Keng, “Kakampi ako, ano ka ba?”

Gaya nina Boss Keng, nanatiling kakampi rin ni Dudut sina Mentos at Burong sa kanyang pagbili ng bagong motor.

Ngunit nagkaroon ng isang maliit na suliranin si Dudut dahil hindi pa nito nakukuha ang matamis na “oo” at permiso ng nobyang si Clouie Dims.

Hindi naman pinabayaan ni Burong ang kaibigan at ibinahagi ang ilang tips kung paano nito napapayag ang fiance na si Aki Angulo sa pagbili ng motor.

“Naging mabuting tao muna ako. Naglilinis ako dito, ‘pag may utos sa akin ginagawa ko agad!” kwento nito.

Motorcycle Reveal

Matapos ang pagpasa ng balita, oras na para personal na makita ni Dudut ang kanyang bagong motorsiklo.

“‘Eh pamatay lamok na ‘to eh! Panis ang gold wing dito par!” biro ni Mentos.

Ikinatuwa rin ng ibang miyembro ng Team Payaman ang bagong biling motorsiklo ni Dudut.

“Akala ko makakasama ka na [sa ride]. Eh pre, kahit sa subdivision, bawal ‘yan eh! Kahit dito ka umikot sa subdivision, mahuhuli ka. Tsaka mainit s’ya sa mata. Nag-iinit na yung mata ko,” biro ni Cong.

At syempre, ipinakita na rin ni Dudut ang bagong motor kay Clouie. Halakhak naman ang isinalubong ni Clouie sa nobyo nang makita nito ang bagong Honda Dio ZX 60 ni Dudut na binasagan nyang “The Incredible Hoik.”

“Sabi mo big bike?” tanong ni Clouie.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

23 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.