Top trending na naman sa YouTube ang panibagong vlog ni Cong TV kung saan ipinakita ang malikhaing kwento nito sa muling pagkahilig nya sa pagmomotorsiklo.
Sa video na pinamagatang “Revorn,” ibinahagi ng 31-anyos na vlogger ang kakaibang “glow up” ng motor nitong si “Warsak” na nakasama niya sa pagsisimula ng kanyang karera.
Ayon kay Cong TV, ang pagkahilig sa motorsiklo ang dahilan kung bakit halos ilang linggo na itong hindi nakapag upload ng bagong vlog sa YouTube.
Sinagot din ni Cong ang tanong kung paano nga ba nagsimula ang biglaang pagkahilig ng Team Payaman boys sa pagmomotorsiklo.
Ipinakita rin nito ang unti-unting pagpundar ng motorsiklo ng kanyang mga kasamahan sa pangunguna nina Boss Keng at Junnie Boy.
Kaya naman tila nag umpisa na rin ang “motovlogging” series ng Team Payaman at sinasama nila ang mga manonood sa kanilang mga biyahe.
Una na riyan ay ang maikling night ride kasama sina Cong TV, Boss Keng, Junnie Boy, at Adam Navea, kung saan tila nag test ride ang mga ito ng kanilang mga bagong motor.
Samantala, ilang araw matapos subukan ang biniling Suzuki Burgman ni Viy Cortez para sa kanya, naging tampulan ng tukso sa Congpound ang motor ni Cong. Ito ay dahil tila mas malakas at high tech ang mga motorsiklo nina Boss Keng at Junnie Boy kesa dito.
Dahil dito, muling nilambing ni Cong ang kanyang soon-to-be wife upang payagan syang bumili ng mas magandang motor.
Pero bago tuluyang ipakilala sa kwento ang kanyang bagong Honda Gold Wing, isang malikhaing pagsasadula ang hatid nito sa kanyang manonood.
Nagbalik tanaw si Cong TV sa kanyang lumang motor na si Warsak na nakasama nya sa pagsisimula ng kanyang karera bilang vlogger.
Base sa kwento ng legendary YouTube vlogger, ang kanyang bagong Honda Gold Wing ay itinuturing niyang bago at mas malupit na bersyon ni Warsak.
“Ang ganda mo! Ipagyayabang kita sa mga tropa ko!” ani Cong TV.
Watch the full vlog below:
The countdown to Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat just got even more exciting!…
As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…
Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…
Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…
Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…
Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…
This website uses cookies.