Be Summer-Ready with VIYLine Cosmetics’ Waterproof Products as Proven by Viy Cortez and Team Payaman

Dahil summer na, ibinida ni VIYLine Cosmetics CEO Viy Cortez ang kanyang mga pang malakasang produkto habang nagbabakasyon sa La Union.

Buwis-buhay na promotion ang hatid ng 26-anyos na vlogger para maipakita na tunay na waterproof at hulas-proof ang produkto ng VIYLine Cosmetics.

Lublob Challenge

Kinagiliwan ng netizens ang kakaibang atake ni Viy Cortez sa pagbebenta ng kanyang mga produkto mula sa VIYLine Cosmetics.

Ibinida nito ang mga produkto na personal din n’yang ginamit sa kanilang week-long summer getaway sa La Union kasama ang Team Payaman.

Habang lumalangoy ay hindi nagpahuli si Viviys na ipakita kung gaano kaganda ang lapat ng kanyang mga makeup products.

“Ang gamit ko ay ang Aqua Cream Mini. Tignan n’yo, pakak na pakak! Nandito pa rin. Selene [sa cheeks] and Hera [sa lips]!” bungad nito. 

Walang pag-aatubiling lumublob si Viy sa swimming pool upang ipakita na buong-buo pa rin ang kanyang makeup kahit mabasa ito.

“So guys kung hindi pa rin kayo naniniwala, lulubog ulit ako! Sana masaya kayo,” biro ni Viviys.

“Ilublob mo na ‘yan, Carlo. Go mo na, para sa benta!” dagdag pa nito.

Ipinakita rin ni Viy na kayang kaya ng kanyang Aqua Cream Mini na mailagay sa balat kahit pa nasa ilalim na ito ng tubig.

Bukod sa Aqua Cream, ibinida rin ni Viy na kayang kaya makipagsabayan ng VIYLine Cosmetics Black Blush sa pagiging waterproof ngayong summer.

Kakaibang atake naman ang ginawa ni Viviys para rito dahil mismong ang fiance nitong si Cong TV ang kumasa sa “lublob challenge” para ipakita ang ganda ng nasabing produkto.

“Ipapakita ko lang sa kanila na kahit basa ka, pwede nating lagyan ‘yan! Perfect ‘to sa swimming!” ani Viy.

At syempre, bumida rin ang Team Payaman Wild Cats suot ang kanilang waterproof at hulas-proof VIYLine Cosmetics products.

Hindi nagpahuli sina Vien Iligan-Velasquez, Josh Anne Dimapilis, Mau Anlacan, at Kha Kha Villes sa pa-lublob challenge ni Viy, at sabay-sabay pinatunayan kung gaano kaganda ang kanilang makeup habang lumalangoy.

Funniest reactions

Maraming taga-suporta ni Viy Cortez ang natuwa sa bagong paandar nito sa pagbebenta ng kanyang mga produkto.

Umani ng mga nakakatuwang kumento ang VIYLine Cosmetics CEO mula sa kanyang pausong ‘Lublob Challenge’ sa TikTok.

Rayleigh: “Bumili na tayo, nalulunod na ‘yung nagpo-promote!”

Anne Pillow: “Kakaibang promotion ‘to ah!”

Rean Kent: “Grabe, galing mo talaga mag-promote Ms. Viy!”

Reese: “Totoo ‘to! Nagswimming ako with Black Blush, pag-ahon ko, meron pa ring make up!”

To see is to believe, ika nga nila! Be summer-ready with VIYLine Cosmetics na napatunayang summer, water, at hulas proof all-day, all-night!

Para sa mga nais bumili, bisitahin lang ang official Shopee, Lazada, at TikTok Shop accounts ng VIYLine Cosmetics. Manatili namang naka-abang sa kanilang Official Facebook Page para sa anumang mga anunsyo at pasabog.

Yenny Certeza

Recent Posts

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

14 minutes ago

Tita Krissy Achino Spills Tea in Michelle Dy’s Latest Makeup Vlog

Isang masayang chikahan at masinsinang makeup session ang hatid ni Michelle Dy kasama ang isa…

5 hours ago

The Sweetest Mother’s Day Messages Penned for Team Payaman Moms

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Summer Essentials: Stay Cool with SNAKE Brand by Viyline

Hot, sticky, and sweaty — that’s how the summer season in the Philippines usually feels.…

9 hours ago

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

3 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

This website uses cookies.