Meet Geng-Geng: Cong TV Surprises Congpound’s Homeboy with New iPhone

Sa paglipat ng Team Payaman sa kani-kanilang tahanan sa Congpound ay ang pagpasok din ng mga bagong tao na makakatuwang nila sa bahay. 

Ibinida ngayon ni TP Headmaster Cong TV ang kanilang bagong nakakasama sa Congpound na kanya ring sinurpresa ng isang pang malakasang regalo.

Geng-Geng in the House

Sa kanyang bagong vlog, ipinakilala ni Cong TV ang kanilang bagong kasama sa loob ng Congpound na si Geng-Geng.

Ayon kay Cong, si Geng-Geng ang isa sa kanyang mga katiwala na pumalit sa trono ng dating Payamansion caretaker na si Kuya Inday na ngayo’y naninirahan na sa kanilang probinsya.

Ayon sa Team Payaman Wild Dogs, una nilang nakasalamuha ang binata noong sila’y nasa Payamansion 2 pa lamang.

“2021 pa lang naka-abang na sa labas ng bahay ‘to,” biro ni Cong TV.

“Hindi ko nga s’ya kilala noon, ang tawag sa akin, ‘Cards, pa-picture naman ‘tong tropa ko!” kwento naman ni Carding Magsino.

Ayon naman kay Boss Keng: “Ang lupit pa n’yan! Paglabas namin ng bahay, ‘Boss Keng saan tayo magmemerienda? Sama ako!’” 

Si Kevin, a.k.a Geng-Geng, ay isang workin student na kamakailan ay humingi ng permiso kay Cong TV para sa papasukan nyang OJT o On the Job Training.

Ayon dito, isa sa mga dahilan kung bakit ito namamasukan habang nag-aaral ay para mabawasan ang gastusin sa kanilang bahay.

Wish Granted

Sa likod ng kanyang masayahing personalidad ay ang busilak na puso si Geng-Geng at ang kanyang determinasyon na makapagtapos ng pag-aaral.

Ibinahagi ni Cong TV ang isang video na kanyang kinuhaan ng patago matapos nito marinig ang regalong nais maibigay ni Geng-Geng sa kanyang nakababatang kapatid.

“Anong gagawin mo sa iPhone mo? Bilhin ko nalang sa’yo. Gusto ko lang mag-upgrade, ibibigay ko lang sa kapatid ko,” ani Geng-Geng.

Ilang araw matapos itong pumasok sa kanyang OJT, walang pagdadalawang isip itong sinundo ni Cong TV dala ang kanyang nirentahang sports car.

“Alam mo bang kaya ko binili ‘yan, kasi sa’yo na yan?” biro ni Cong TV.

Abot tenga ang ngiti ni Geng-Geng matapos iabot ni Cong TV ang susi ng Lamborghini, ngunit hindi maipinta ang mukha nito ng bawiin ni Cong ang kanyang sinabi.

“Uy joke lang. Nirentahan ko lang ‘to eh! iPhone lang (muna),” pag-amin ni Mossing.

Nabawi rin ang kalungkutan ng iabot na ni Mossing ang kanyang surpresang iPhone para kay Geng-Geng.

“Thank you!” ani Geng-Geng.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.