Dudut Lang Teaches 3 Ways to Cook Pampano in New ‘Dudut’s Kitchen’ Segment

Ilang oras na lang ay Noche Buena na! Handa na ba ang mga putaheng pagsasaluhan niyo sa pagsalubong sa Pasko? 

Kung nag-iisip ka pa rin hanggang ngayon, pwes hatid ni Team Payaman member Jaime De Guzman, a.k.a Dudut Lang ang ilang putaheng tiyak na bubusog sa buong pamilya. 

Chef Dudut

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang dahilan ng pagpasok ni Dudut sa Payamansion 1 ay upang maging resident chef ng Team Payaman. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinamalas ni Dudut ang kanyang galing sa pagluluto at ipinakilala sa manonood ang bago nitong segment na “Dudut’s Kitchen.”

“Hi, I am Dudut! I love cooking, and I love my friends. Putting them together makes I love cooking for my friends,” panimulang banat ni Chef Dudut. 

“Welcome to Dudut’s Kitchen na kung saan hindi mo kailangan masyadong galingan, pero dapat siguraduhin mong lahat ng titikim, masasarapan!” dagdag pa nito.

Sa unang pagkakataon, ibinahagi ni Dudut ang kagustuhan na ipagluto ang mga kaibigan sa Payamansion. 

Pampano 3 Ways

“Ang lulutuin ko ngayong gabi ay ang ipinagbabawal na Pampano. Nung nabalitaan ko ‘yon, nag-isip ako ng lutong pwedeng gawin sa Pampano” kwento ni Chef Dudut.

Iba’t-ibang putahe ng nasabing isda ang inihanda ni Dudut para sa kanyang kapwa Team Payaman members, una na rito ang Steamed at Inihaw na Pampano.

Ayon kay Chef Dudut, ang paghahanda sa Steamed at Inihaw na Pampano ay nagsisimula sa pagbabad ng isda sa pinaghalong toyo, asukal, cooking wine, sesame oil, luya, bawang, at leeks.

Sweet and Sour Pampano naman ang sunod na inihanda ni Dudut, kung saan ang mga isda ay binudburan ng asin at paminta bago iprito. Para naman sa sweet and sour sauce, pinaghalo ni Dudut ang tomato sauce, asukal, paminta, at juice mula sa Del Monte Pineapple Tidbits.

Food Tasting

Matapos ang ilang oras na paghahanda, pinatikim na ni Chef Dudut ang kanyang masterpiece sa iba pang miyembro ng Team Payaman.

Agad na dumating sina Cong TV, Burong, Junnie Boy, Steve, at iba pang Team Payaman Wild Dogs upang matikman ang inihanda ni Dudut.

Tila nag-enjoy ang grupo sa kanilang Pampano dinner dahil agad nasimot ang mga putaheng inihanda ni Chef Dudut.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

1 day ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

1 day ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

1 day ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

2 days ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

3 days ago

This website uses cookies.