Freeviys Sale Round 2: Viy Cortez Allow Customers to Redeem Cancelled Orders

Muling binigyan ni Viy Cortez ng pagkakataon ang mga customer na makuha ang kanilang mga na-cancel na orders noong nagdaang 12.12 Freeviys Sale. 

Dahil binaha ng orders ang VIYLine Cosmetics noong Dec. 12, 2022, hindi maiwasang ma-kansela ng online shopping platforms ang ilang orders na hindi umabot sa shipping deadline. 

Pero para hindi malungkot ang lahat, hatid ng VIYLine CEO ang “Round 2” ng Freeviys Sale at pagkakataong mapasakamay pa rin ang kanilang mga order at pangakong pamasko. 

Round 2

Sa isang Facebook post, nanawagan si Viy Cortez sa kanyang mga suki at taga-suporta na makipag ugnayan sa official Facebook page ng VIYLine Cosmetics. Ito ay para sa mga customer na bigong mapasakamay ang kanilang mga orders. 

“Sa lahat po ng na cancel ang orders please message VIYLine Cosmetics page, pasend po ang screenshot ng inyong order kasama po ang order number! Direct na po na kami ang magpapadala sainyo SAME RATE (same discount and shipping fee) pero hindi po makakasama ang mga coupon or vouchers po ng mga shopping platform pero WITH FREE padin po lahat!” ani Viviys.

Maari din aniyang makuha ang mga orders sa VIYLine OPC office na matatagpuan sa Block 20 Lot 6 San Agustin Road, San Agustin Village Brgy. San Francisco, Biñan City, Laguna.

Samantala, sa isa pang Facebook post, nangako ang 26-anyos VIYLine CEO na magkakaroon ng ikalawang round ng “Freeviys Sale” para sa mga nais muling bumili ng VIYLine Cosmetics. Humingi rin ito ng dispense sa mga nakanselang orders 

Paliwanag ni Viy: “Sa lahat po ng na cancel ang orders, magbibigay po ako ng 1 day na may FREE po ulit, tapusin lang po ang pending para hindi na po kayo maghintay ng matagal. Pasensya na po. Sa totoo lang na move na po ang christmas party namin dahil po magdamagan na po na magbabalot po kami.”

Supportive sister-in-law

Samantala, hindi naman nagpahuli si Team Payaman member Pat Velasquez-Gaspar sa pagkakataong muling umorder ng VIYLine Cosmetics. 

“Nacancel yung order ko pero syempre umorder ako ulit para sa free!” ani Mrs. Gaspar sa isang Facebook post.

Kalakip nito ang screenshot ng kanyang panibagong order sa official TikTok shop ng VIYLine Cosmetics. 

Kath Regio

View Comments

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

12 hours ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

2 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

3 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

4 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

5 days ago

This website uses cookies.