Cong TV Collaborates with International YouTube Content Creator

Bukod sa pagpasyal sa Malaysia kasama ang mag-ina nitong sina Viy Cortez at Kidlat, isa sa mga agenda ni Cong TV sa kanilang biyahe ay magkaroon ng collaboration sa isang international YouTube content creator. 

Hindi maikakaila na isa si Cong TV sa may pinakamaraming YouTube subscriber sa Pilipinas at maraming content creators ang nag-aasam na maka-collab ito. Pero sa pagkakataong ito, ang 31-anyos na vlogger naman nais makatrabaho ang ibang YouTuber sa ibang bansa. 

Ang tanong, nagtagumpay kaya si Cong sa kanyang plano?

Spontaneous Malaysia Trip

Ayon kay Cong, naisipan nyang i-extend ang kanilang bakasyon matapos mabitin sa pamamasyal sa Singapore. At para maging mas exciting ang Malaysia trip, naisipan nitong lumapit sa ilang sikat na content creators sa Malaysia. 

“Naghahanap pa rin tayo ng makaka-collab na Malaysian YouTubers. Meron akong nakausap na isa, baka busy sila, hindi natin alam. Ngayon hindi tayo nawawalan ng pag-asa, tuloy tuloy lang ang paghahanap (para sa) ‘The Most Useless Collab in the Entire Philippines, entire Southeast Asia,” ani Cong TV. 

Sa gitna ng paghahanap ng ka-collab ay namasyal muna si Cong TV kasama ang kanyang pamilya sa Kuala Lumpur. Kasama sina Papa Shoutout, Mama Jo Velasquez, at Venice Velasquez, binista nila ang Batu Cave, Genting Highlands, at Secret Garden sa Petaling Jaya, Malaysia.

Matthew the Tour Guide

Bagamat bigong makahanap ng Malaysian YouTuber, tila naging ka-collab naman ni Cong TV ang kanilang Malaysian tour guide na si Matthew. 

“Siguro isa sa mga rason kung bakit naging mas masaya yung trip namin sa Malaysia ay dahil kay Matthew,” kwento ni Cong. 

Ayon kay Cong, bukod kasi sa pagiging van tour driver, mahilig din kumain si Matthew kaya natulungan sila nitong makapunta sa mga lugar kung saan natikman nila ang masasarap na putahe sa Malaysia. 

“So ayun guys, natapos ang mga araw at wala pa rin akong nakaka-collab na YouTuber,” ani Cong TV. 

“Pero ang gusto kong maintindihan nyo ay ganun talaga, hindi lahat ng bagay aayon sa plano n’yo. At pag may planong hindi natuloy, ibig sabihin may bagong planong parating. Kaya kailangan mabilis mong makita o mapansin ‘to, kasi kadalasan guys an opportunity or an idea only presents itself in that one specific moment, when that time come, you have to act,” dagdag pa nito.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Boss Toyo’s Pinoy Pawnstars to Air on PTV

Mapapanood na sa People’s Television Network Inc. o PTV ang “Pinoy Pawnstars” na negosyo at…

1 day ago

#MaiklingKwento: Ser Geybin and Elma Asagra Star in a Tear-Jerking Romantic Short Film

Magkahalong kilig at lungkot ang hatid ngayon ng internet sensations na sina Ser Geybin Capinpin…

1 day ago

LOOK: Cong TV at Ang Pangarap Niyang Long Hair

Sa kabila ng mainit na panahon, isa sa pagsubok na hinaharap ng Team Payaman headmaster…

2 days ago

#perfectCONGVIYnation: Cong TV and Viy Cortez Sizzle in Balesin, Island Prenup Shoot

Just recently, soon-to-wed Team Payaman couple Cong TV and Viy Cortez visited Balesin Island to…

2 days ago

Cong Clothing Drops Newest ‘LOWKEY and LOUD’ Collection

If you’re looking for a shirt to complete your aesthetic fit check, Cong TV’s clothing…

3 days ago

Daddy Diaries: Here’s How Daddy Cong TV Persuades Kidlat to Brush His Teeth

Nahaharap sa panibagong pagsubok bilang ama ang legendary YouTube vlogger na si Cong TV, ito…

3 days ago

This website uses cookies.