Pat Velasquez-Gaspar Quips on Boss Keng’s MVP Moment

Supportive wifey ang peg ng nakababatang kapatid ni Cong TV na si Pat-Velasquez Gaspar sa winning basketball moment ng asawa nitong si Christian Ezekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng.

Matapos manalo at tanghaling MVP (Most Valuable Player) sa isang liga ng basketball, pinaabot ni Mrs. Gaspar ang kanyang pagbati sa asawa sa isang Facebook post.

Mr. MVP

Sa isang Facebook post, umani ng libo-libong reaksyon ang pagbati ni Pat Velasquez-Gaspar sa asawa nito matapos parangalan bilang MVP.

“HALA MY MVP!!!! Galing mo [Boss Keng] talaga lodicake. Sige, tres ka sa akin mamaya. Beng benggg!” ani Pat.

Bukod kay Boss Keng, kasama rin nitong naglaro ang kapwa Team Payaman member na sina Junnie Boy, Dudut, at Carding Magsino, na kasama niyang nag-uwi ng mga medalya at tropeyo. 

Pero hindi pa rin nagpaawat si Mrs. Gaspar at nagpahabol pa ng kanyang mga hirit sa comment section ng nasabing post. 

Ang kalat, paki-walis,” biro ng 26-anyos na vlogger. 

“Night night daw!” dagdag pa nito kalakip ang litrato ni Boss Keng katabi ang kanyang tropeyo at medalya. 

Witty Reactions

At syempre pa, hindi pinalampas ng netizens ang pagkakataon na ipahatid ang kanilang reaksyon sa nakakatuwang Facebook post ni Mrs. Gaspar tungkol sa kanyang “Mr. MVP.”

Hariz HM: Papa Shoutout oh! Kalat ni Pating!” 

Sagot naman ni Pat: “Pwede na mami, mag-asawa na. Hahaha!” 

RHO CE LAA: “Boss Keng tumira ng res, neneng lamig alog ang matres! HAHAHA!” 

Syempre, hindi rin nakalusot ang isa pang Team Payaman Wild Dog na si Carding Magsino matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang litrato.

Jun Matthew Brecio: “Problemadong Curry, Carding Magsino!”

Na siya rin namang ginatungan ni Carding ng “Chicken current hahaha!”

Nagustuhan mo ba ang mga eksklusibong Team Payaman chikahan gaya nito? Pwes, manatiling nakatutok official Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube accounts ng VIYLine Media Group para lagi kang udated sa latest chika. 

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

11 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

22 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.