TOP TRENDING: Netizens Join Cong TV Filter Craze on TikTok

Hindi lang dance crazes ang kinagigiliwan ngayon sa TikTok dahil top trending na rin ang nakakatawang TikTok filter kung saan tampok ang legendary YouTube content creator na si Cong TV.

Hatid ng VIYLine Media Group (VMG) ang ilan sa mga kwelang TikTok reel entry ng mga solid Chicken Feet Gang at Team Payaman fans gamit ang viral Cong TV filter!

Cong TV Filter

Tampok ngayon sa social media app na TikTok ang Cong TV filter na gawa ng TikTok user na si @sretlif. Ang nasabing content creator ay mayroon nang nilikha na higit sa sampung filter para sa nasabing social media platform. 

Nitong nakaraang Oktubre nang i-upload nya ang nasabing Cong TV filter na binansagan nitong “Caloocan Boy Cong TV” alinsunod sa sumikat na Caloocan Boy meme. 

Matapos itong ma-upload sa TikTok ay agad namang pinetisyon ng mga manonood na maparating ito kay Cong TV upang personal na makita at magamit ito.

@jhomaicaatos: “[Please] mention Cong TV guys!”

@plutoplanet657: “May filter na din pala si Kuya Cong!”

@luffymdfkingshit: “[mentions] @Viy Cortez HAHAHAHA”

Netizens’ Outtakes

Dala ng pagkamalikhain ng mga Pinoy, kaliwa’t-kanan ang entry ng mga Chicken Feet Gang at Solid TP fans gamit ang Cong TV filter.

Kamakailan lang ay gamit na gamit ang nasabing filter para sa mga ‘transformation transition’ na ngayo’y isang trend sa TikTok.

@sachii.k_: “@Cong TV, sorry idol nakita ko lang yung filter.”

Bukod sa trends, ipinahatid din ng netizens ang kanilang pagka-galak at tuwa sa nasabing filter ng Team Payaman headmaster na si Cong TV.

@rheasea: “Tawang tawa ako sorry na! Sino ba may gawwa nitong filter? @thecongtv”

@iamitchie: “What’s up mga ka-paa! Kuya Cocon ko may filter na sa TikTok #chickenfeetgang #congtv #teampayaman”

Sabay-sabay nating abangan (at umasa) sa personal na gagamitin ni Cong TV sa nasabing viral Caloocan Boy Cong TV filter!

Try the filter here: https://vt.tiktok.com/ZSRKRk1H2/

Yenny Certeza

Recent Posts

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

7 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

1 day ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

This website uses cookies.