Eksklusibong nakapanayam ng VIYLine Media Group (VMG) ang kilalang Kris Aquino impersonator na si Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino, matapos ang matagumpay na Grand Media Launch ng pelikula nitong “An Inconvenient Love” nito noong Oct. 28.
Bilang pagbabalik takilyang proyekto ng Star Cinema, ibinahagi ni Chino Liu ang kanyang mga karanasan sa inaabangang pelikula kasama ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Game na game na sinagot ni Team Payaman member Chino Liu ang mga tanong ukol sa kanyang karanasan bilang isa sa mga artista sa inaabangang pelikula na pagbibidahan ng tinaguriang Next Gen Phenomenal Love Team na DonBelle.
Ayon kay Chino Liu: “Ako, ang overall experience ko is, super excited! Kasi ang daming firsts nito eh! First na Star Cinema ko, first rin na mainstream movie ko, and nakakatuwa kasi first time ko rin na may makakasamang super sikat na love team.”
Idinagdag din nito ang kanyang taos pusong pasasalamat sa oportunidad na kanyang natanggap na itinuturing aniya niyang “biggest project yet.”
“I am very excited and happy. I am super grateful [kasi] maraming mga tao ang nagtiwala sa akin to be part of this movie!” dagdag pa ni Chino..
Sa nasabi panayam ay opisyal ding inimbitahan ni Chino Liu ang kanyang mga taga-suporta at kapwa DonBelle fans na saksihan ang pagbabalik takilya ng Star Cinema.
“Hello mga ka-Paa, Team Payaman fans, at mga Kapitbahay! This is Krissy Achino, a.k.a Chino Liu, and abangan niyo po ang aming pinaghandaang pelikula coming na po this November 23 in cinemas only!” paanyaya nito.
Sama-sama nating panoorin ang comeback movie ng Star Cinema at sabay-sabay kiligin sa “An Inconvenient Love” sa darating na November 23.
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.