LOOK: Viy Cortez Hilariously Transforms Cong TV Into a Halloween Icon

Time out muna sa problema dahil hindi nagpahuli ang YouTube power couple na Cong TV at Viy Cortez sa kanilang Halloween transformation entry.

Supportive fiancée ang peg ni Viy Cortez matapos mag-effort na gawan ng kakaibang prosthetic makeup para sa Halloween and soon-to-be husband nitong si Cong TV. 

Team Velasquez’s Halloween Look

Isang linggo matapos ang Halloween ay ibinahagi ng 26-anyos VIYLine CEO ang kanyang obra maestrang prosthetic makeup para sa ama ni Baby Kidlat. 

Sa isang Facebook post, ibinahagi rin ni Viy ang kanyang do-it-yourself Halloween makeup look na kanyang inilapat sa mukha ni Cong TV.

Wala pang isang oras ay umabot na ng libo-libong reaksyon ang naturang post na siya ring umani ng mga nakakatawang mga komento mula sa netizens.

Eduard Villanueva Destua: “Wasak na wasak [ang mukha], Boss Cong! Anong ginawa sa’yo ni Viy?”

Cristy S. Caldoza: “Isang asawa na naman po ang napagtripan”

Liezl Buendicho – Veluya: “Parang mas nakaka-awa po Boss Cong kesa nakakatakot.”

Kwento ni Viviys, matindi ang pinagdaanan niya bago tuluyang matapos ang Halloween makeup ni Daddy Cong.

“Grabe, hirap ko gawin ‘yan. 2 oras ko ginawa yan. Abangan n’yo sa vlog ko [laughs].” ani Viy.

Syempre pa, gamit ni Mommy Viy na naturang Halloween look ang VIYLine Cosmetics Water-Based Tint in the shade Datwo. Ito ang naging susi upang lalong gawin katakot-takot ang Halloween look ni Cong TV.

“Guys, Datwo [shade] yan ng VIYLine Cosmetics. Kaya guys, bumili na kayo n’yan kasi sobrang lupet!” ani Viy.

Hindi rin naman nagpahuli si Baby Kidlat sa kanyang Halloween entry dahil hango sa kantang Thriller ni Michael Jackson ang tema ng kanyang 4th month photoshoot.

Surprise Visit from Ninang Donnalyn

Samantala, sa bagong vlog ni Viy Cortez ay ibinahagi nito ang biglaang pagbisita ng kumare nitong si Donnalyn Bartolome na sya ring Ninang ni Baby Kidlat.

“Hala, andito yung Ninang mo [Kidlat]! May regalo si Ninang sa’yo,” excited na pagbabalita ni Daddy Cong.

Labis din namang natuwa si Mommy Viy sa munting pa-sorpresa ni Ninang Donnalyn sa kanilang unico hijo.

“Thank you sis, thank you so much! Oh my God nag-effort ka pa!” pasasalamat ni Viviys.

Laking gulat ng first-time mom nang masilayan nito ang mamahaling regalo ni Ninang Donna. Isang personalized gold necklace na may disenyong kidlat.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.