Dahil panahon na naman ng tag-init, may handog na fun activity reco si Ivy Cortez-Ragos na talaga namang swak para sa pamilya.
Alamin kung saan ito at kung ano-anong mga aktibidad ang pwedeng gawin dito.
Sa kanyang recently-uploaded Facebook reel, ipinasilip ni Ivy Cortez-Ragos ang 5558 Campsite–isa sa mga swak na pasyalan para sa pamilya.
Matatagpuan ang 5558 Campsite sa Lakeside Bucal Cavinti, Laguna—ilang oras na lamang na biyahe mula sa Maynila.
Pagkadating sa campsite ay agad na sumabak sa activities si Ivy gaya ng paglilibot gamit ang bangka, pangingisda, at marami pang iba.
Mas na-enjoy din niya ang kanyang ‘alone time’ nang masubukan niya rin ang panonood ng sunset, pagligo, pagkain, at pagunwind ng mag-isa.
Matapos ang kanyang solo date, sunod naman niyang ipinasilip ang ilan sa mga aktibidad na pwede ring gawin ng pamilya.
Ilan sa mga ito ay ang camping, pagkain, at pagsakay sa camping car na handog ng 5558 Campsite.
Ito at ilan pang mga aktibidad ang pwedeng gawin ng mag-anak ngayong papalapit na tag-araw! Maaari lang magmessage sa kanilang Facebook page para bumisita.
Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…
Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…
Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…
What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…
Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…
Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…
This website uses cookies.