This is What Happens When Viy Cortez Leave Daddy Cong TV on Duty to Baby Kidlat

Dahil back to work na ang batikang vlogger at negosyante na si Viy Cortez, hindi maiiwasang iwanan nito sa bahay ang supling nila ni Cong TV. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ng 26-anyos first-time mom kung paano naging “to the rescue” si Daddy Cong sa pag-aalaga sa kanilang panganay na si Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.

Ano kaya ang eksena sa pagduty ng 30-anyos legendary YouTube vlogger bilang tagapag-alaga ni Kidlat sa buong araw?

Hands on Daddy Cong

Kilala si Cong TV sa kanyang mga kwelang vlogs at matikas na personalidad, pero pagdating sa mag-ina nito ay tila nawawala ang angas ni Daddy Cong. 

Kahit back to work na si Mommy Viy, tila hirap itong mawalay sa kanyang panganay dahil sanay umanong dumede ng gatas sa kanya si Baby Kidlat. Pero hindi nag-atubili si Cong TV na alagaan ang kanilang unico hijo habang busy si Viviys.

“Siguro mawawala ako mga 1 hour lang naman kasi after ko mag-picture doon, mag-vlog lang ng kaunti para ma-promote, uuwi na agad ako,” ani Viy.

“Hindi pa ako nakakapunta pero sobrang uwing-uwi na yung mukha ko sa sobrang gusto ko nang umuwi!” dagdag pa nito. 

Bagamat nag-aalala, napanatag naman si Mommy Viy matapos itong i-update ni Daddy Cong sa pagdede ni Baby Kidlat gamit ang feeding bottle.

“Dumedede [si Kidlat]. Tignan mo, iniinom niya oh!” ani Cong TV.

Bukod sa pagpapa-dede kinargo na rin ng first-time dad ang pag-aliw kay Baby Kidlat habang wala ang mommy nito.

Pagkauwing pagkauwi ay hinagkan agad ni Mommy Viy ang kanyang Baby Kidlat dala ng matinding pagka-miss rito.

Sa huli, napagtanto ng first-time mom ang kanyang kasiyahan sa pagdating ni Baby Zeus sa kanilang buhay.

“Sobrang saya ko lang na andiyan na si Kidlat. ‘Di ako napapagod mag-alaga. ‘Di ako napapagod mapuyat. Sobrang happy ko lang talaga na dumating sa buhay ko si Kidlat.” 

Workaholic Mom

Sa kabila ng separation anxiety na nararamdaman ni Mommy Viy kay Baby Kidlat, hindi naman ito natinag sa kanyang mga gawain bilang CEO ng VIYLine.

Buong suporta nyang sinamahan sina Mrs. Imelda Cortez, Mr. Rolando Cortez, at ate nitong si Ivy Cortez-Ragos sa kauna-unahang TP Kids Book Fair na ginanap sa Philippine Christian University (PCU) – Union High School of Manila. 

Sinariwa naman ni Viviys ang mga karanasan nila sa mga dinadaluhang book fair noong ito pa ang kabuhayan ng kanyang mga magulang. 

“First day namin guys [sa book fair] at nanunumbalik yung pakiramdam. Naalala mo ma kapag recess? Nanghihingi na kami ng pera n’yan kasi makikibili kami ng gulaman doon sa mga nagtitinda sa kabila,” kwento ni Viy.

Nais nyo bang bisitahin ng TP Kids ang inyong mga paaralan? Magpadala lang ng mensahe sa email na teampayamankids@gmail.com at baka kayo na ang susunod na sugurin ng TP Kids!

Manatiling nakatutok sa opisyal na Facebook page ng TP Kids pati na rin ang kanilang mga opisyal na shopping platforms gaya ng Shopee, Lazada, at TikTok shop.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

4 hours ago

YNO Turns Heads With Their Live Wish Bus 107.5 Performance of ‘Because’

Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang…

1 day ago

Dudut’s Pasta Adventure: Filipino Flavors Meet Italian Classics

Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…

1 day ago

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

3 days ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

6 days ago

This website uses cookies.