Viy Cortez Proudly Shows Off Postpartum Belly, Teases Possible Stretch Mark Product Under VIYLine Skincare

Walang takot na ibinalandra ni YouTube content creator Viy Cortez ang kanyang postpartum belly, tatlong buwan matapos isilang ang panganay nila ng longtime boyfriend na si Cong TV. 

Matatandaang hindi ito ang unang beses na matapang na ipinakita ng 26-anyos na vlogger ang mga pagbabago sa kanyang katawan dala ng pagbubuntis kay Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Bago pa isilang si Kidlat noong July 5, 2022, ibinahagi ni Viviys ang pag-itim ng kanyang kili-kili at leeg, pati na rin ang pagkakaroon ng stretch marks. 

Sa panibagong pagkakataon, muling pinakita ni Viy ang mga natural na pagbabago sa katawan ng isang ganap na ina. 

Anti-stretch marks VIYLine Skincare product?

Sa isang Facebook post, ibinandera ni Viy Cortez ang itsura ng kanyang tiyan tatlong buwan matapos ipanganak si Baby Kidlat.

“Ito ang tiyan ko ngayong pagkapanganak ko,” ani Viviys, kalakip ang isang selfie kung saang kitang-kita ang kanyang mga stretch marks. 

Paliwanag ng first-time mom, mayroon syang ilalabas na bagong produkto para matulungan ang mga mommies tulad nya para kahit papaano ay mabawasan ang bakas ng stretch marks. 

Pero ayon kay Viy, hindi nya pa ito mailabas sa publiko dahil hindi pa napapatunayan kung epektibo ba nito sa kanya. 

“‘Di ko pa mailabas dahil hindi naman tumatalab sakin. Kaya pinapabago ko ng pinapabago ang formulation hanggang sa mag work na sakin,” ani ng VIYLine CEO. 

“Napaka tagal ko mag labas dahil kung di naman eepek sakin bakit ko ibebenta,” dagdag pa nito. 

Paliwanag pa ni Viy Cortez, alam nyang hindi na tuluyang mawawala ang stretch marks sa balat maliban na lang kung ipagawa ito sa mga dermatological clinic. Pero meron aniyang mga produkto na makakatulong upang mag-lighten ang tinatawag ng karamihan na “kamot.”

“Sa mga nagsasabi po na kusa siya mag la-light opo, gusto ko lang pabilisin kaya nag papagawa ako ng magandang produkto,” dagdag pa nito. 

Mga pasabog ng VIYLine, abangan!

Bukod sa posibleng anti-stretch marks na produkto ng VIYLine Skincare, inamin din ni Viy Cortez na marami pa siyang ilalabas na produktong tiyak na makakatulong para magkaroon tayo ng young and healthy glowing skin. 

Hinikayat din ni Viviys ang mga nais magsimula ng negosyo na maging parte ng VIYLine Skincare at maging isa sa mga reseller nito. 

“Sa lahat ng mag e-entry bilang distributor samin simula ngayon hanggang 10.10 may free 5k worth kayo ng products. PM  lang ang VIYLine Skincare page na ito mga viviys.”

RELATED POST: LOOK: Viy Cortez Proudly Flaunts Pregnancy Stretch Marks

Kath Regio

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

18 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.