Meet Kevin Hufana: Team Payaman’s Rising TikTok Star

Mula sa pagiging resident Dancing Queen ng Team Payaman, tila road to “TikTok Queen” na rin ang nag-iisang Kevin Hufana ng tropa.

Kabilang ang mga videos ni Kevin sa mga top-trending TikTok videos na tiyak na nadaanan na ng lahat sa kani-kanilang mga FYP o For You Page. 

Dahil sa kanyang 77.2 TikTok followers at higit 2.6 million video likes, hindi maipagkakaila na si Kevin na talaga ang fastest-rising TikTok star ng Team Payaman. 

Who is Kevin Hufana?

Isa si Kevin Hufana sa mga miyembro ng sikat na content creator group na Team Payaman. Bagamat hindi naka-focus sa paggawa ng vlogs sa YouTube, kakaibang contents naman ang hatid nito sa kanyang TikTok followers. 

Source: Kevin Hufana Facebook page
Source: Kevin Hufana Facebook page

Gaya ng karamihan sa Team Payaman, si Kevin ay kababata ng magkakapatid na Cong TV, Junnie Boy, Pat Velasquez-Gaspar, at Venice Velasquez. 

Bago mapunta sa Payamansion ay nagtrabaho muna sa BPO industry si Kevin. Sa ngayon ay nagsisilbi siyang Executive Assistant ni Cong TV, siya ang tumutulong sa mga schedule at iba pang ganap ng 30-anyos legendary YouTube vlogger. 

Isa rin si Kevin sa mga tinaguriang “Dancing Queen” ng Team Payaman na sumabak sa Eat Bulaga dance contest kasama sina Mau Anlacan at Clouie Dims.

Source: Kevin Hufana Facebook page

Kevin Hufana TikToker Era

Sa isang eksklusibong panayam, binahagi ni Kevin Hufana sa VIYLine Media Group (VMG) ang ilang sikreto nito pagdating sa paggawa ng TikTok videos. 

Ayon sa 29-anyos na content creator, bagamat nagsimula syang mag-upload ng dance videos sa TikTok ay hindi lang niya ito ginawa para sa ipakita ang kanyang talento sa pagsayaw. Naging libangan na rin daw nito ang nasabing video-sharing application. 

Sa ngayon, bukod sa dance videos ay siksik na rin sa ibang contents ang TikTok page ni Kevin. Nariyan ang kanyang pagkanta, pagli-lip sync, at ang kanyang mga nakakatawang “POV skits.”

Inamin naman ni Kevin na wala syang malalim na pinaghuhugutan ng kanyang mga TikTok videos. 

“Kumbaga pure kalokohan lang. Kung ano yung mga problema ng isa sa relasyon, ginagawa kong katawa-tawa,” paliwanag ni Kevin. 

Kwento pa ni Kevin sa VMG, sa tuwing nakakaiisip sya ng scenario ay ginagawan niya agad ito ng video at hinahaluan ng witty caption para mas kwela. 

Source: Kevin Hufana Facebook page

Samantala, kung mabibigyan naman aniya ng pagkakataon ay nais niyang maka-collab ang iba pang TikTok stars gaya nina Fonz at Sassa Gurl.

“Si Fonz, gumagawa siya ng mga scenario about sa mga nararanasan niya everyday, naaliw ako sa kanya!”

“Si Sasa Gurl, I have a lot of respect kung paano siya gumawa ng content. Talagang sobrang creative nya, saka super smart. Halatang pinag-iisipan niya lahat bago sya mag upload.”

Source: Kevin Hufana Facebook page

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Kevin Hufana sa mga patuloy na sumusuporta at natutuwa sa kanyang mga TikTok videos. 

“Thank you kasi hindi ko naman ineexpect na may makaka-appreciate ng mga ginagawa ko sa TikTok. Gaya nga ng sabi ko, libangan lang sya.”

“Sobrang nagagalak ang aking puso, maraming maraming salamat po sa inyo. Sana wag kayong magsawa, marami pa tayong bala na ia-upload, marami pa tayong kalokohang gagawin.”

Panoorin ang ilan sa mga kwelang TikTok videos ni Kevin: 

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.