TP Kids Levels Up Game With Cutest Ambassadors

Matapos ang tagumpay na pagbubukas sa publiko ng bagong business venture ni Viy Cortez na TP Kids, sumabak naman sa pang malakasang photoshoot ang cute na cute na mga modelo mula sa mga bagets na miyembro ng Team Payaman.

Sa pagkakataong ito, next-gen Team Payaman members naman ang bibida sa bagong produkto ng VIYLine Group of Companies.

Sabay-sabay nating silipin ang naganap na photoshoot na pinangunahan nina  Mavi Velasquez, Sam Ragos, at Rasec Sabino. 

TP Kids Photoshoot

Sa pinakabagong vlog ni Viviys, ibinahagi ng 26-anyos na vlogger ang photoshoot na ginanap para sa negosyo nitong TP Kids.

Hatid ng The Baby Village ang cute na setup na saktong-sakto sa tema ng mga produktong educational books at toys. 

Bukod kay Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, ang mga cute na cute na chikiting ng Team Payaman din ang magiging mukha ng nasabing negosyo. 

Kabilang sa mga cute TP Kids ambassadors ay sina Mavi Velasquez– panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez; Sam Ragos – pamangkin ni Viy; at Rasec Sabino na anak ni Team Payaman driver Michael Sabino. 

Unang sumalang sa posing ang bunsong anak ng nakatatandang kapatid ni Viy na si Ate Ivy Cortez-Ragos. Animoy professional model ang 4-anyos na si Sam-Sam suot ang kanyang pink dress. 

“Guys, tignan nyo yung pamangkin ko, hindi pa nagsisimula [yung photoshoot], pero ayan na yung ginagawa [nagpo-pose]!” pagmamalaki ni Tita Viy.

Samantala, bago pa man sumabak sina Mavi at Rasec sa nasabing photoshoot bumuhos ang luha ni Mavi bago nito nailabas ang matatamis na ngiti sa harap ng camera.

Matapos ang matagumpay na photoshoot, ipinahatid ni Ate Ivy ang kanyang pasasalamat sa pagtupad ng pangarap ng kanyang anak na si Sam na maging model.

Sa isang Facebook post, ibinahagi nito ang kanyang pasasalamat kay Viy sa pagkuha sa kanyang anak bilang mukha ng negosyo nitong TP Kids.

“Nung sinabe ni Sam sa akin na gusto niya maging model. Kaya grabe galak ko nung sinabe ni Viy na kasama si Sam sa shoot ng TP Kids,” ani Ate Ivy. 

“Gustong gusto talaga ni Sam mag model… Lagi niya sinasabe sa akin. F na F ihhhh. Goodjob ka anak!!! and Goodjob din Mavi and Rasec!!! ang galing niyooooo,” dagdag pa nito. 

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

5 days ago

This website uses cookies.