Kamakailan lang ay inilabas na ng bandang Libre ang opisyal na music video ng kantang pinamagatang “Sana.” Bida rito ang Team Payaman editor na si Brylle Galamay, a.k.a Bods at ang dating beauty queen/ actress na si Isabelle Delos Santos.
Samu’t sari ang naging reaksyon ng netizens sa tila “mapanakit” na music video. Pero ano nga ba ang kwento sa likod ng kantang ito? May aasahan ba tayong nakakakilig na part 2? May namuo bang “spark” habang ginagawa ang music video?
‘Yan ang mga tanong na matapang na sinagot ni “Libre” frontman Kevin Hermosada sa eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG).
Ayon kay Team Payaman editor/ vlogger/ singer Kevin Hermosada, simple lang ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng kantang “Sana.”
Ito ay ang mga taong nasaktan at umasa sa mga nakamabutihan nila noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Kwento ni Kevin, hango sa totoong istorya ng isa nyang malapit na kaibigan ang pinaghuhugutan ng emosyon ng nasabing awitin.
“Habang naggigitara kami ay bigla siyang napakwento. Five minutes ko lang nagawa yung lyrics at melody,” ani Kevin.
Dagdag pa nito, ang mga eksena sa music video na pinagbibidahan nina Bods at Isa ay hango rin sa pangyayari sa tunay na buhay.
Gaya ng maraming Team Payaman fans, inamin ni Kevin na isa din sya sa mga kinilig sa tambalang Bods at Isa.
Nagsimulang ipagpares ang dalawa nang tuksuhin sila sa isa’t-isa ni Yow Andrada sa kanyang vlogs kahit hindi pa man nagkikita ang dalawa sa personal o online.
Bukod dito, nais din aniya ni Kevin na ilabas ang iba pang talento ng Team Payaman members.
Pero ang tanong ng lahat, may dapat bang abangan na karugtong ang bitin na kilig nina Bods at Isa sa naturang music video?
Ayon kay Kevin Hermosada, nasa “Sana” music video mismo ang sagot nagbabagang tanong na iyan ng netizens.
Samantala, marami naman ang pumuri sa nakakakilig na on-screen chemistry nina Bods at Isa. Ikinatuwa ng lahat ang kanilang natural na karisma at pag-arte sa naturang music video.
Ito na kaya ang simula ng Bods-Isa Fan Club? Abangan ang susunod na kabanata.
Watch Sana official music video below:
Tampo mode on si Cong TV sa mga kapwa Team Payaman members na sina Junnie…
Muling naghatid ng good-vibes sa netizens ang Team Payaman momma na si Viy Cortez-Velasquez matapos…
Magtagumpay kaya ang tambalang Dudut-Boss Keng matapos nilang hamunin ang ilang pickleball players sa isang…
Since it’s almost the BER months, there’s no better way to welcome the holiday season…
Dahil nalalapit na ang Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat, isang pangmalakasang content ang…
Looking for a fun way to keep the little ones busy at home without relying…
This website uses cookies.