Team Payaman Glams Up for Matthaios’ 23rd Birthday

Kamakailan lang ay dumalo ang Team Payaman sa ika-23 kaarawan ng singing sensation na si Matthaios.

Sa kabila ng kanilang busy schedule, hindi nagpahuli ang buong tropa na paghandaan ang naturang okasyon. Todo postura ang Team Payaman Wild Dogs and Wild Cats suot ang kani-kanilang sophisticated outfits na siya namang umani ng papuri mula sa mga netizens.

Ano kaya ang iba pang mga kaganapan sa usap-usapang #MatthaiosBePartying nitong nakaraang Linggo? 

Hatid na ng VIYLine Media Group (VMG) ang exclusive chika sa mga kaganapan sa nagdaang 23rd birthday ni Matthaios. 

Matthaios Be Wondering

Kilala si Jun Matthew Brecio, a.k.a Matthaios sa kanyang top hits na Catriona, Vibe With Me and Want You Back na siyang sumikat simula taong 2019.

Bukod sa kanyang solo hits, nakilala rin ang kantang “Nararahuyo,” kung saan kasama niya si Dudut ng Team Payaman. Ang music vide ng nasabing hit song ay umabot sa mahigit kumulang 11 million views sa YouTube.

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Matthaios ang kanyang 23rd birthday sa The Bellevue Manila kasama ang pamilya at malalapit na mga kaibigan.

Team Payaman at #MatthaiosBePartying

Kabilang sa mga Team Payaman stars na dumalo sa sosyal na birthday party ni Matthiaos ay sina Yow Andrada, Junnie Boy, Vien Iligan-Velasquez, Boss Keng, at Pat Velasquez-Gaspar.

Present din sa venue ang ilan sa TP Wild Dogs at Cats gaya nina Dudut, Clouie, Steph, Mentos, at Carding.

Proud na ibinahagi ni Junnie Boy ang litrato kasama ang kanyang 5-months pregnant wife na si Vien suot ang kanilang matching black suits.

Sa kabilang banda, ibinahagi naman ng Velasquez-Gaspar couple ang kanilang #MatthaiosBePartying look sa Instagram account ni Pat.

Tignan natin ang iba pang red carpet outfits ng ilan sa paborito nating Team Payaman members:

Beautiful in silvery night gown ang peg ng Team Payaman Dancing Queen na si Mau Anlacan.

Present rin sa red carpet ang bokalista ng Libre band na si Kevin Hermosada kasama ang kanyang gorgeous girlfriend na si Abigail Campanano.

Hindi rin mawawala ang former EA nina Boss Keng at Pat Gaspar na si Aki Angulo at ang Team Payaman Wild Dog na si Burong Macacua.

Wittyness overload naman ang hatid ni Yow Andrada, a.k.a Waldo sa kanyang funny snippets sa #MatthaiosBePartying event.

For more Team Payaman news and updates, don’t forget to follow VIYLine Media Group’s official Facebook, Instagram, Twitter, TikTok, and YouTube accounts. 

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

8 minutes ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

23 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

1 day ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

This website uses cookies.