Viy Cortez Shares Breastfeeding Essentials as First-Time Mom

Sa nagdaang unang buwan ni Baby Kidlat, matapang na humingi ng motherhood tips at advice si Viy Cortez sa kanyang mga followers sa social media.

Inulan ng sangkatutak na payo ang 26-anyos na vlogger mula sa kanyang mga “Viviys” at kapwa nanay.

Pero ngayon, hatid naman ng first-time mom ang ilang rekomendasyon base na rin sa kanyang breastfeeding journey. 

Breastfeeding #VIYCommendation

Sa isang bagong TikTok video, ibinahagi ni Viy Cortez ang kanyang naranasang hirap sa pag-breastfeed sa panganay nitong si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez kasabay ng pagdiriwang ng Breastfeeding Month. 

Sa kabila nito, excited na ibinahagi ng batikang YouTube content creator ang mga produktong naging kaagapay niya upang mas mapadali ang kanyang motherhood journey.

“Itong mga bagay na ‘to, hindi ko alam na sobrang importante sya pero ngayon nung na-experience ko, ngayon ko napatunayan na talagang ‘These are the right products!’” ani Viviys.

For hygiene purposes, gamit na gamit ni Mommy Viy Buds and Blooms Breastfeeding Cleansing Mist sa paglinis ng kanyang dibdib bago padedehin si Baby Kidlat. 

Para naman sa pananakit ng dibdib dulot ng pagpapasuso, inirerekomenda ni Viy ang paggamit ng Buds and Blooms Reusable Breast Relief Donut.

“Marami ang nagsasabi sa akin na kailangan ko ng hot compress pero hindi ako naniniwala.”

At dahil naging hamon kay Viviys bilang ina ang tongue-tying ni Baby Kidlat, nagdulot ito ng sugat sa kanyang dibdib. Laking pasasalamat din niya sa produktong Buds and Blooms Nipple Nurse na nakatulong sa pagpapagaling ng kanyang mga nipple sores.

At syempre, hindi mawawala ang Buds and Blooms Malunggay Capsule sa listahan ng #VIYCommendation para sa kanyang fellow mommies na nagnanais dumami ang kanilang breastmilk supply. 

Thank you, Viviys!

Matapos maglahad ng kanyang mga rekomendasyon, inulan naman ng pasasalamat ang ilan sa mga kapwa mommy ni Viy Cortez. 

@kristelannedelacruz: “Legit! Super helpful lahat ‘yan!”

@cessssssy420: “Thank you po! Ang kulit mo, nakakagood vibes mamshie!”

@eamish15: “Yan din mga ginamit ko, Tinu Buds user for me and my baby!”

Watch the full video below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Baao Children and Youth Choir Bags Another Win in Spain Chorale Fest

The Bicolano pride, Baao Children and Youth Choir is back in the Philippines after winning…

4 hours ago

Here’s What Went Down During Team Velasquez’s Mother’s Day Celebration

Pagkabalik mula sa Thailand para sa surprise bridal shower kay Viy Cortez, nagsama-sama ang Pamilya…

5 hours ago

Boss Toyo’s Partner Shares Successful IVF Journey: It’s a Baby Boy!

“Walang katumbas na saya ang maging isang ina.”‘Yan ang sinabi ng nobya ng vlogger at…

2 days ago

Catch Viy Cortez on VIYLine’s Mother’s Day Special TikTok Live

Mother’s Day celebration is still not over as Viy Cortez is giving away deals, discounts,…

2 days ago

Clouie Dims and Dudut Lang Join the Fun Fiesta Celebration in Mendez, Cavite

Sa pinakabagong YouTube vlog ni Clouie Dims, tampok ang makulay na pagdiriwang ng kapistahan sa…

2 days ago

What Happens to Team Payaman Boys When Their Girls Are Out?

Matapos lumipad ng Team Payaman Girls papuntang Thailand para sa surprise Bridal Shower ni Viy…

2 days ago

This website uses cookies.