VIYLine Cosmetics Ambassadresses Attends Donnalyn Bartolome’s Star-Studded ‘Kanto Party’

Present sa star-studded “Kanto Birthday Party” ni YouTube content creator Donnalyn Bartolome sina VIYLine Cosmetics 3-in-1 Aqua Cream Ambassadresses Awra at Baninay

Kamakailan lang ay nagdiwang ng kaniyang 28th birthday si Donnalyn na kilala sa kaniyang mga kakaiba at witty contents. Kaya naman hindi rin pinalampas ng dalaga na i-vlog ang kaniyang epic birthday celebration.

Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at maki-party tayo sa nakakatuwang birthday salubong nii Donnalyn!

Street-Style Party

Sa kaniyang latest vlog, binahagi ni Donnalyn Bartolome kung paano niya sinalubong ang kaniyang kaarawan noong July 9, 2022. 

Imbes na magkaroon ng magarbong selebrasyon, mas pinili ni “Kakaibabe” hitmaker na magkaroon ng typical “Kanto Party” na aniya’y naranasan niya noong hindi pa siya sikat na social media personality. 

“Naisip kong mag Kanto Birthday Party kasi may time sa buhay ko na umalis ako sa’min. Gusto kong i-pursue yung singing career ko, yung pag-aartista ko, kaya umalis muna ako sa bahay namin.”

Noong mga panahong iyon, naranasan aniya niya ang hirap ng buhay, pati na rin ang masasayang moment kasama ang barkada sa kanto. 

“Noong mga time na walang wala ka pa pero kasama mo yung mga taong masarap kasama, mahal ka, at yung mga totoo sa’yo. Kaya gusto ko i-relive yung moment na ‘yon sa buhay ko,” dagdag pa nito. 

Kumpletong “Kanto Birthday Party” experience ang inihanda ni Donnalyn para sa kanyang mga bisita. 

Ihahatid sila ng classic jeepney at tricycle sa street-style party ng dalaga, kung saan naghihintay ang Karaoke, Isaw at Betamax Ihaw-Ihaw, Balut, Kwek-Kwek, at iba pang bagay na makikita sa isang karaniwang Pinoy Kanto Party. 

Star-Studded Kanto Party

Isa-isang dumating ang mga sikat na bisita ni Donnalyn Bartolome suot ang kanilang pambahay outfits. 

Kabilang sa mga dumalo ay ang mga kapwa niya content creators gaya nina Mika Salamanca, Letisha Velasco, Zeinab Harake (with Baby Bia), Jelai AndresAlbert Nicolas (a.k.a Asian Cutie), Richard Juan at marami pang iba. 

Present din ang VIYLine Cosmetics beauties na sina Awra Briguela at Baninay Bautista na may baon pang alak para sa okasyon. 

Dumating din ang ilan sa mga celebrity friends ni Donna gaya nina Ehla Cruz, Julian Trono, Paul Salas, Mikee Quintos, at Andrei Paras.

Kitang-kita na enjoy ang lahat sa kakaibang birthday celebration ni Donna complete with games, booze, DJ, and GlamBot! Ika nga ng isa sa mga bisita: “Ito lang yung kanto na may budget talaga!”

Iyakan na!

Bago pa tuluyang madagdagan ng edad ay pinasalamatan na ni Donna ang mga kaibigang dumalo at nakisaya sa kaniyang birthday salubong.

“Maraming salamat, mga tol! Sa sumakay sa trip ko, at least na-experience niyo ang birthday sa kanto.”

At pagsapit ng alas-dose ay sabay-sabay kinatahan ng “Happy Birthday” song ng lahat ang celebrant. 

Hindi naman pinalampas ni Donna ang pagkakataon na pasalamatan ang kaniyang ina. 

“Mom, I know it’s my birthday but this your day more than mine ‘coz you gave birth to me,” emosyonal na sabi ni Donna. 

“Wala akong ipagdidiwang na kaarawan kung hindi dahil sa’yo. Thank you, Mommy! Mahal na mahal kita. Kaya ikaw ang mag-blow ng candle na ‘to kasi malaki yung pasasalamat ko sa’yo,” dagdag pa nito.

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.