Viy Cortez’s Sister to Bashers: ‘Ganito Kami Pinalaki ng mga Magulang Namin!’

Ultimate Raketera! Ganito inilarawan ng VIYLine Media Group (VMG) “VIYHind the Scene” hosts si Ivy Cortez-Ragos, ang nakatatandang kapatid ng sikat na YouTube vlogger na si Viy Cortez. 

Madalas nakikita ng netizens si Ate Ivy sa mga vlog ng 26-anyos first-time mom at very active din ito sa negosyo ni Viviys na VIYLine Group of Companies. 

Pero sino nga ba si Ivy Cortez-Ragos? Ano ang papel niya sa VIYLine? At hanggang saan nito kayang ipatanggol ang pamilya laban sa mga bashers?

Young Ivy

Sa isang eksklusibong chikahan, ibinahagi ng Ate ni Viy Cortez ang kaniyang “humble beginnings” bilang isang ultimate raketera. 

Ayon kay Ivy, 1st year high school nang una niyang maranasang magtinda ng gulay. Tuwing bakasyon kasi ay matumal ang book exhibit na negosyo ng kanilang mga magulang kung kaya’t kinailangan nyang tumulong para matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan.

Bagamat dumaan sa hirap ng buhay, nagpapasalamat ang panganay nina Rolando at Imelda Cortez dahil ang mga karanasang ito aniya ang nagpatatag sa kaniya sa buhay. 

“Lumaki kami, ako si Viy at si Yiv na ang pangaral talaga nina Mama at Papa, maayos. Hindi sila samin nagkululang ng mga kasabihan sa buhay,” ani Ivy. 

Ultimate Raketera

Ang panganay na kapatid ni Viy ang nagsisilbi ngayong Operations Head ng VIYLine Food and Beverages Department. Siya ang namumuno sa pagpapatakbo ng tatlong branch ng Tea Talk Franchised by Viy Cortez at maging ang DON C by VIYLine. 

Si Ate Ivy rin ang bumibida sa araw-araw na TikTok live selling ng VIYLine sa TikTok account ni Viy Cortez. 

Source: Ivy Tumbaga Cortez-Ragos Facebook
Source: Ivy Tumbaga Cortez-Ragos Facebook

Bilang magkapatid, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa negosyo. Pero sa kabila nito ay nananatali aniyang matatag ang kaniyang relasyon sa nakababatang kapatid. 

“Masaya pero hindi ko masasabi na perfect,” ani Ivy.

“Sa negosyo, minsan numbers yan, hindi maiiwasan (ang hindi pagkakaintindihan). Pero thankful ako kay Viy kasi napaka understanding niya. And hindi siya super bossy, siguro dahil magkapatid kami, nagkakaintindihan kaming dalawa,” dagdag pa nito.

Pero sa kabila ng kaniyang role sa VIYLine ay may sarili ring negosyo ang Ultimate Raketera ng Cortez-Ragos family. 

Nagtitinda ito ng mga trendy women clothes sa Ivy’s Feminity at nagsisilbi ring authorized City Distributor ng VIYLine Skincare sa San Pedro, Laguna. 

But wait, there’s more! Ang Ate Ivy ni Viviys ay isa ring ganap na vlogger na laging nagbibigay ng quality family-friendly contents sa kaniyang YouTube channel na Raco Squad. 

Samantala, para naman sa mga bashers na walang ginawa kundi gawan ng issue ang pagtatrabaho ni Ivy Cortez-Ragos sa VIYLine, ito lang ang kaniyang masasabi: 

“Sa mga basher na nagsasabi bakit hindi nalang daw ako mag-build ng sarili kong business, bakit lagi daw akong nakasunod kay Viy kung nasaan siya… Nagtutulungan kami, ganito kasi kami pinalaki ng mga magulang namin,” paliwanag ni Ivy. 

“Magtulungan kayo dahil at the end of the day walang ibang magtutulungan kundi kayong family,” dagdag pa nito. 

Source: Ivy Tumbaga Cortez-Ragos Facebook

Bitin sa chikahan? Abangan ang kabuuan ng exclusive chikahan ng VMG kasama si Miss Ivy Cortez-Ragos mamayang 7 PM sa aming official YouTube channel. Subscribe na!

Kath Regio

Recent Posts

3 Reasons B1T1 Takeaway Coffee is the Ultimate Fuel for Busy Mornings

Coffee is a non-negotiable staple for every Filipino—not just in the morning, but throughout the…

3 days ago

Luxury in a Cup: How B1T1 Takeaway Coffee Bridges Quality and Everyday Pricing

In today’s fast-paced world, coffee has become the go-to for every Filipino in daily life.…

4 days ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 week ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 week ago

This website uses cookies.