Matagal ng tapos ang “Love Month” pero love is still in the air para sa Team Payaman. Ito ay matapos maging opisyal na Mr. annd Mrs. Sunga ang TP couple na sina Clifford “Beigh” Sunga at Mae Andres na ngayon ay ganap ng Mrs. Sunga.
Noong nakaraang July 22, 2022, nasaksihan ng buong Team Payaman ang pag-iisang dibdib nina Mae at Beigh. Halina’t balikan natin ang mga kaganapan sa likod ng intimate wedding nina Mr. and Mrs. Sunga kasama ang VIYLine Media Group (VMG).
Isa sina Mae at Beigh sa mga longtime couples ng Team Payaman. Nakilala ng publiko ang dalawa dahil sa madalas nilang paglabas sa mga vlog ni Cong TV, Viy Cortez, at maging ng ibang Wild Dogs at Wild Cats members.
Si Beigh ay pinsan ng magkakatapid na Velasquez na unang nakilala sa vlog ni Cong sa kaniyang famous line na, “Sisikat ako!”
Samantala, si Mae naman ay isa sa mga naggagandahang residente sa Payamansion at isa rin sa mga VIYLine girls ni Viy Cortez sa kaniyang negosyo.
Bago tuluyang mag “I do” ang dalawa ay naghanda ng TP girls ng surpresang bridal shower para kay Mae. Pinangunahan ito nina Kevin Hufana, Clouie Dims, Steph Anlacan, Venice Velasquez, at Pat Velasquez-Gaspar,
“Thank you Wildcats! Love you all!” ani Mae sa isang Instagram post.
Inanunsyo sa publiko ng mag-asawang Beigh at Mae na opisyal na silang mag-asawa noong July 22, 2022.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng bride ang kanilang wedding photo na at proud na proud ding ipinapakita ang kanilang wedding rings.
“Just got married!” ani Mrs. Sunga.
Bagamat hindi man nakarating sa wedding ceremonies dahil recovering pa mula sa kanyang panganganak ay ipinahatid naman ng kanilang Ninang Viy Cortez ang kanyang pagbati sa newlyweds.
“Congrats Mae and Bei!” ani Viviys sa kaniyang Facebook comment.
Bukod sa kanilang Ninang Viy, nagpahatid rin ng kanilang congratulatory messages ang ilang fellow Team Payaman members nina Mae at Beigh.
Tin Piamonte: “Congrats! Love you both!”
Patricia Ann Pabingwit: “Congrats!”
Steph Anlacan: “Congrats, Mae Tacang Andres and Clifford Beigh Mariano Sunga nodsu kami ni Kha!”
Clouie Dims: “Yay! Congrats!! Love you both!”
Vienna Ilagan: “Congrats kuya beigh at ate mae!!”
Michael Carl Sabino: “Congrats! Welcome to the club”
Ivy Cortez-Ragos: “Congratulations!”
Congratulations to our newlyweds, Mae and Beigh! From your VMG family!
As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…
Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…
Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…
Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…
Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…
In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…
This website uses cookies.