Viy Cortez Shares Current Routine as First-Time Mom

Muling pinasilip ni Viy Cortez ang kanyang motherhood journey ilang linggo matapos opisyal na ipanganak ang kanilang panganay ni Cong TV. 

Bagamat hands-on mommy ang peg ngayon ni Viviys kay Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, back to vlogging game na rin ang 26-anyos na YouTube content creator. 

Sa kaniyang latest vlog, hatid ni VIYLine CEO kaniyang “motherhood journey” pati na rin ang kanyang everyday routine bilang ganap na ina. 

Mommy routine

Sa vlog na pinamagatang “First Time Mom,” ipinaliwanag ni Viy na madalang siyang mag vlog ngayon dahil priority niya munang alagaan si Baby Kidlat. Binahagi rin nito ang kanyang daily routine bilang isang “padede mom.”

“So mga 5AM ngayon. Nagising ako para mag-pump. Every 2 hours, gumigising siya para dumede” panimulang kwento ni Viy Cortez.

Dagdag pa ni Viy, kumuha sila ng mga umaalalay sa kanya sa pag-aasikaso sa kanilang unico hijo

“Sa gabi may nagbabantay sa kanya na nurse. So yun yung laging nakatingin kay Kidlat. Sa umaga naman, si Ate Acar. So 24/7 may nakatingin kay Kidlat,” dagdag pa nito.

Nilinaw din ng YouTube star na bagamat may umaalalay sa kaniya, 24/7 rin ang kanyang pagiging mommy kay Baby Kidlat. 

“So sa ngayon mga Viviys, ganoon yung buhay ko. Pag-gising ko magpapadede, magpa-pump, magkakarga. Sa una sobrang hirap mga Viviys. Bigla akong umiiyak nalang kasi wala pa kayong routine. Syempre, kailangan mong ‘wag sumuko talaga para sa anak mo, gagawin mo ‘di ba?” 

Ipinaliwanag din ng first-time mom ang kanilang desisyon na kumuha ng mga nurse na aalalay sa kanila sa pag-alaga kay Baby Kidlat.

“After nung [homecoming], ilang oras, bumalik kami Asian, na-ER si Kidlat kasi nadehydrate na siya. Nagka-fever siya dahil sa dehydration. Hindi naman malala pero syempre nakaka-aning yon.” 

Dagdag pa nito. “So na-trauma ako ‘non. So nung pinapauwi na kami, sabi ko kay Cong ayoko umuwi kasi pag andito sa hospital, may nagche-check kay Kidlat. Sabi ni Cong, ‘Gusto mo ba talaga ng nurse?’ para mapanatag ako, dun namin nakuha si Kads.” 

“Kaya kami may nurse, hindi dahil sa OA, kung hindi dahil sa trauma ko na ganun mangyayari.” pagpapaliwanag ni Mommy Viy. 

First Birthday as a Mom

Bagamat busy maging full-time mom ang VIYLine CEO, hindi pa rin nito pinalampas ang pagkakataong makapag-celebrate ng kanyang birthday.

Bukod sa kanyang engrandeng birthday pasabog na VIYDay Sale, umulan din ng mga regalo at surpresang pagbisita mula sa kanyang mga mahal sa buhay.

Binisita si Viy ng kanyang Ate Ivy Cortez-Ragos kasama ang kanyang mga anak at asawa para na rin masilayan si Baby Kidlat.

Natunghayan rin ni Cong TV ang moment ni Kidlat with his Tita Ivy kung kaya’t hindi nito napigilang tanungin kung sino ang kamukha ni Baby Zeus.

“Yung mata, sa’yo talaga Cong! Wala tayong lahing singkit yung parang kay Junnie. Yung ilong, walang [pagtatanggi], sayo [nagmana]!” sagot ng Tita Ivy ni Kidlat. 

https://www.facebook.com/viylineskincare
Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

20 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

20 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

20 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.