Team Payaman Bids Farewell to Mamita

Matapos ang higit na apat na taong paninilbihan sa buong Team Payaman, partikular kina Cong TV at Viy Cortez, kinailangan nang magpaalam ng kanilang ever-trusted kasambahay na si Mamita.

Sa kanyang latest vlog, binahagi ng 30-anyos na YouTube star ang ginawa nilang espesyal na “farewell presentation” para kay Mamita.

Samahan nyo kami sa VIYLine Media Group at sabay-sabay tayong maiyak sa nakakaantig na pamamaalam na ito.

Sino ba si Mamita?

March 2019 nang mamasukan si Mamita bilang kasambahay sa Team Payaman. Ang grupo ay nakatira pa noon sa tinatawag nilang “Chongdo” o condominium unit sa Quezon City.

Bagamat sikat na si Cong ng mga panahong iyon ay matatandaang hindi siya kilala ni Mamita noong una silang nagkita.

Bilang parte ng Team Payaman household, hindi maiiwasang mahagip si Mamita ng camera at mapasama na rin sa mga YouTube vlogs nina Viy Cortez at Cong TV.

Sa paglipat ng grupo sa tinaguriang Payamansion ay kasama pa rin nila si Mami. Noong kasagsagan ng pandemya ay mas nakilala ng mga manonood si Mamita matapos tila magkaroon sila ng “love team” ng driver-turned-Team Payaman content creator na si Michael  Magnata, a.k.a Mentos.

Dahil sa kanilang madalas na “L.Q” ay naging tampulan ng tukso ang dalawa sa bahay, at dito na nabuo ang “Mementos.”

Sa kabila ng aktingan, inamin noon ni Cong na inaabutan nya ng “tip” si Mamita sa tuwing lalabas ito sa kanyang mga vlogs.

Leaving on a jet plane

Sa nasabing vlog, ibinahagi ni Cong ang naisip nyang paraan para pasalamatan si Mamita sa huling pagkakataon.

Kinakailangan umalis ng butihing kasambahay dahil nagkaka-edad na rin ito at kailangan ng magpahinga.

Naging emosyonal naman si Cong TV sa pamamaalam kay Mamita at inaming nanghihinayang ito dahil hindi manlang nya masisilayan ang panganay nila ni Viy.

“Mi, maraming maraming salamat sa apat na taon mong serbisyo sa amin ni Viviys,” ani Cong.

“Gusto lang namin Mi na magpasalamat ni Viy sa apat na taon na pag aalaga mo samin. Sayang lang hindi mo inabutan si Kidlat, pero magpapadala kami ng pictures nya sayo,” dagdag pa nito.

Dagdag pa ni Cong, si Mamita ang pinakatapat at masipag na kasambahay na naging katuwang nila sa bahay.

Hindi naman napigilan ng iba pang Team Payaman members na maiyak sa moment nila Cong at Mamita.

Bilang pasasalamat, hinandugan ni Cong at ng buong Team Payaman ng awitin si Mamita.

Mamita fans

At ang talaga namang nagpaiyak sa lahat ay ang plot twist sa dulo ng video kung saan dineklara ni Cong na lahat ng kikitain ng nasabing vlog ay mapupunta kay Mamita.

Sa video na ito, pinatunayan lang ni Cong TV na ang kasambahay at dapat tinuturing ding parte ng pamilya.

Sa comment section, bumuhos naman ang pasasalamat ng milyun-milyong subscribers ni Cong TV para kay Mamita.

Watch the heartwarming farewell vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

14 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

2 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

2 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

3 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

4 days ago

This website uses cookies.